KAPURI-PURI ang pagiging magulang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes lalo’t binibigyan nilang prioridad ang kalusugan na makikita sa kanilang mga anak na sina Zia at Sixto. Sineseryoso ng Kapuso Primetime King at Queen ang kanilang ginagampanang papel sa tunay na buhay—ang maging mabuting magulang. “Ang pagiging magulang ay hindi biro, ang dami naming natutunan. I think during this pandemic, bottom line is kalusugan ang pinaka-kailangan natin. …
Read More »Masonry Layout
DONG AT YAN PRIORIDAD ANG KALUSUGAN NG MGA ANAK;
Mahigit 4,000 na evacuees sa Bulacan bumalik na sa kanilang mga tahanan matapos ang Super TY Karding
MAY kabuuang 4,760 na indibidwal ang ligtas nang nakabalik sa kanilang mga tahanan noong Martes, Setyembre 27, 2022, matapos lumikas sa pananalasa ng super typhoon Karding noong Lunes. Sa kanilang pananatili sa iba’t ibang evacuation centers sa Bulacan, tumanggap ang mga evacuees ng family food packs (FFP) at non-food items (NFI) kabilang na ang emergency kits na may lamang mga …
Read More »5 rescuers na nasawi sa Bulacan bibigyan ng espesyal na pagpupugay
ISANG espesyal na pagpupugay para parangalan ang limang ‘bayaning tagapagligtas’ na nasawi habang nagliligtas ng buhay noong kasagsagan ng super typhoon Karding ang nakatakdang ganapin sa Biyernes, Setyembre 30, 2022, alas 3:00 ng hapon sa Bulacan Capitol Gymnasium dito. Tinawag na “Salamat at Paalam… Bayaning Tagapagligtas! Luksang Parangal para sa mga Yumaong Lingkod Bayan”, dadaluhan ito ng pamilya ng mga …
Read More »
Hinigop ng rumaragasang tubig sa kanal…
2-TAONG GULANG NA BATANG LALAKI, NAMATAY SA PAGKALUNOD
BANGKAY na nang matagpuan sa nagpuputik na palayan ang isang batang lalake matapos na mahulog at higupin ng drainage system sa kasagsagan ng ulan sa Pandi, Bulacan, Setyembre 27. Ang biktima ay kinilalang si Prince Marvin B Mortejo, 2-taong gulang, na ang pamilya ay naninirahan sa Pandi Residence 3, Mapulang Lupa kung saan naganap ang insidente. Ayon kay Raymond Austria, …
Read More »Fundraising concert para sa kapatid ni Ima Castro ikinasa
MATABILni John Fontanilla ISANG fundraising event ang binuo ng Crossroads X Movers para sa pagpapagamot ng isa sa miyembro ng Polycosmic Kukuz at nakatatandang kapatid ni Ima Castro na si Jeffrey Carmelo C De Castro na na-stroke kamakailan. Isa ang Polycosmic Kukuz sa sumikat na all male dancers noong dekada ‘90, kasabay ng Streetboys, UMD, Manneuvres atbp.. Ang fundraising concert na may titulong For The Love 90’s Dance Concert ay magaganap sa Oct. 8 (Saturday) …
Read More »Sunshine Dizon Most Outstanding Actress sa 3rd Asian Business Excellence Awards 2022
MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na 3rd Asian Business Awards 2022 na ginanap kamakailan sa Steelworld Tower, Amoranto St., Quezon City. Ilan sa mga awardee na dumalo ay ang editor namin dito sa Hataw na si Maricris Valdez na ginawaran bilang Most Outstanding Entertainment Editor, kasama sina Ervin Santiago, Most Outstanding Online Entertainment Editor; Klinton Start, Most Promising Actor; Marianne Beatriz Bermundo, Outstanding Teen Model/ Beauty Queen; Wize Estabillo, …
Read More »20th anniversary ng Macbeth rakrakan cum fashion show
I-FLEXni Jun Nardo RAKRAKAN cum fashion show ang handog ng brand na Macbeth sa 20 years celebration na ito. Southern Californian brand ng footwear, apparel at accessories ang Macbeth. Founded in 2002 by Tom DeLonge, frontman of bands Blink 182, Box Car Racer and Angels & Airwaves. Bale 28 na banda ang magsasama-sama sa music festival mula sa iba’t ibang probinsiya at undergounrd music community. Kasama …
Read More »Macbeth’s 20th Anniversary Show pasabog
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADO ang direktor ng Macbeth’s 20th Anniversary Show na si Benjie Estanislao na kakaiba at bago ang konseptong magaganap sa October 8 sa Metrotent Convention Center sa Pasig City. “It is a big surprise, a normal big events where there are two bands set up in two different stage and and at the sametime a catwalk in both set up pero leading …
Read More »
Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO
TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug suspek at anim na law offenders ang naaresto sa pinatindi pang operasyon ng pulisya sa Bulacan hanggang kahapon ng umaga. Sa ulat mula kay PColonel Relly B. Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, na PP 578,000.00 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa mga drug dealer …
Read More »Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan
NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na benepisyo para sa mga first responder na tumutulong sa panahon ng mga sakuna. Namatay ang mga rescuer na sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurreccion, Narciso Calayag habang nagsasagawa ng operasyon sa gitna na pananalasa ng bagyong Karding sa Luzon nitong weekend. …
Read More »
3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA
MAHIGIT P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak ang naaresto sa Olongapo City kamakalawa. Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director PBGeneral Cesar R. Pasiwen, ang magkasanib na mga elemento ng CPDEU, PS-3 SPDEU, SOU 3 PNP DEG, at OCMFC ay nagkasa ng anti-illegal drugs operation sa Brgy. New Asinan, Olongapo City. Naging …
Read More »Dingdong, Bea, Julie Anne, Rayver dinumog saCalifornia
COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG malaking tagumpay ang concert na Together Stronger sa Temecula, California na isang anniversary presentation ng GMA Pinoy TV sa tulong ng US based concert producer na si Ana Puno. Sa tagal ng panahong walang mga live show ng mga artista natin doon dahil sa pandemia, nabinigyan sila ng kasiyahan nina Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Lani …
Read More »Xian at Vin magbibigay-saya sa bday show ni Genesis
“CRUSH ko ‘yang si Xian. Si Vin naman alam mo naman ‘yung lalaking-lalaki, ang gwapo-gwapo, pantasya.” Ito ang tinuran ng entertainment guru at tinaguriang Queen of Entertainment Bar na si Genesis Gallios na magkakaroon ng bonggang birthday dinner show, ang Reign sa October 1, 7:00 p.m. sa Manila Hotel. Special guest sa Reign ang mga super crush niyang actor na sina Xian Lim at Vin Abrenica. Kasama rin sina Madam …
Read More »
Ely Buendia ayaw makipagtrabaho kay Marcus
REUNION CONCERT NG EHEADS BAKA ‘DI MATULOY
HATAWANni Ed de Leon MUKHANG mai-indulto pa rin ang sinasabing concert ng Eraserheads sa December. Maliwanag kasi ang kondisyon ng kanilang soloist na si Ely Buendia na hindi siya sasali sa concert dahil ayaw niyang makipagtrabaho sa kanilang lead guitarist na si Marcus Adoro na inireklamo ng dalagita niyang anak at ng female star na si Barbara Ruaro ng pananakit at verbal abuse. Sinabi ng dalagitang si Syd Hartha na …
Read More »
Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE
ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang pagpapalawig ng Las Piñas Regional Trial Court (RTC) ng 20 araw simula 22 Setyembre 2022 sa inilabas nitong 72-hour temporary restraining order (TRO) na inisyu noong 19 Setyembre 2022. Ipinahayag ni Senadora Cynthia Villar, pinalawig ang TRO hanggang 9 Oktubre 2022 matapos makita ng korte …
Read More »Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon
DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng isang opisyal ng Department of Energy (DOE) sa kanilang aplikasyon kahit kompleto sa mga rekesitos ng pag-i- import ng diesel mula sa middle east. Batay sa reklamo ni Ms. Zasa Aliman, ang Vice President ng Stone Hope Company, kompleto na sila ng requirements na hinihingi …
Read More »
Sa P.6-M shabu
‘ILLEGAL DRUG DEALER’ ARESTADO SA KANKALOO
ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P600,000 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City. Kinilala ang naarestong suspek na si Henson Francisco, alyas Iking, 33 anyos, hinihinalang pusher. Batay sa ulat, isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan City police sa pangunguna ni …
Read More »Tulak na 2 kelot at bebot tiklo sa drug buy bust
TATLONG tulak ng ipinagbabawal na droga ang arestado, kabilang ang isang babae matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang mga suspek na sina Jovel De Leon, 29 anyos, Redelin Gatbonton, alyas Len-Len, 43 anyos, kapwa ng Malabon City, at Mark Edwin …
Read More »Tinapyas na budget ng NBI ibalik, laban vs cybercrimes paigtingin – solon
SA LAYUNING mapaigting ang laban ng bansa kontra insidente ng cybercrimes, kumilos si Senador Win Gatchalian upang ibalik ang natapyas na pondo ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa susunod na taon. Nagpahayag ng pagkabahala ang senador matapos bawasan ang 2023 budget ng ahensiya batay sa National Expenditure Program (NEP). Mula sa aktwal na pondong P2.3 bilyon ngayong taon, …
Read More »
Para sa bigas at toma vs Karding
KELOT ‘SUMALIKWAT’ NG BATERYA NG BANGKA NAGHIMAS NG MALAMIG NA REHAS SA NAVOTAS 
SA KULUNGAN sinalubong ng isang 23-anyos na ‘naghanda’ ng bigas at toma sa pagdating ng super typhoon na si Karding matapos nakawin ang baterya ng bangkang pangisda ng kanyang kabarangay sa Navotas City, nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Alexander Pascua, 23 anyos, residente sa M. Ablola St., Brgy. Tangos – South. Batay sa ulat ni …
Read More »
Inihabilin ng erpat sa dalawang kuya
3-ANYOS ANAK NG LABORER AT INANG OFW TODAS SA SUV
PATAY ang isang 3-anyos nene nang masagasaan ng isang sport utility vehicle (SUV) habang naglalakad kasama ang isa pang kapwa paslit, sa Parañaque City nitong nakaraang Martes, 20 Setyembre. Ang biktima, kinilalang si Rhaymarie Jane Sampang, residente sa Barangay San Antonio, Parañaque City. Reklamong reckless imprudence resulting in homicide at physical injuries ang isinampang kaso sa driver na si Rodolfo …
Read More »
“Sige sign out na ako…”
BINATA NAGPAALAM SA KAIBIGAN SAKA NAGBARIL SA SARILI 
NAGAWA pang magpaalam sa babaeng kaibigan ang 23-anyos binata bago nagbaril sa sarili sa loob ng silid ng kanilang tahanan sa Quezon City, Linggo ng gabi. Ang biktima, kinilalang si Dan Carlo Martin Domingo, 23 anyos, binata, residente sa No. 10 Dali St., Fillinvest II, Brgy. Batasan Hills, Quezon City. Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon …
Read More »
Sa agrikultura
P141.38-M PINSALA NI KARDING 
TINATAYANG aabot sa P141.38 milyon ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dulot ng bagyong Karding, batay sa inisyal na taya ng Department of Agriculture (DA). Ayon sa DA, ang initial assessment ay sumasakop sa 16,229 ektarya ng lupa sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, at Calabarzon, simula 12 pm nitong Lunes, 26 Setyembre 2022. Nangangahulugan ito na …
Read More »
Sa San Miguel, Bulacan
5 RESCUERS PATAY SA FLASH FLOOD NG ULAN NI KARDING
BINAWIAN ng buhay ang limang rescuers sa matinding pagbaha sa Brgy. Camias, bayan ng San Miguel, sa lalawigan ng Bulacan sa gitna ng pananalasa ng bagyong Karding, nitong Linggo ng gabi, 25 Setyembre. Ayon kay San Miguel Mayor Roderick Tiongson, ang limang biktima, pawang miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Kapitolyo ng Bulacan, ay magre-rescue …
Read More »Chinese national arestado sa pananakit sa ka-live-in na Pinay
INARESTO ng mga awtoridad ang isang dayuhan matapos ireklamo ng pananakit sa kinakasamang Pinay sa Mabalacat City, Pampanga, kamakalawa ng umaga. Sa ulat mula sa tanggapan ni PBGeneral Cesar Pasiwen, PRO3 regional director, ang arestadong dayuhan ay si Ma Yichun, 24-anyos, Chinese national at kasalukuyang naninirahan sa The Sharp Clarkhills, Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga. Ang suspek ay inaresto …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com