Tuesday , June 23 2026
Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold storage facility sa Nueva Ecija sa magkasanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine National Police (PNP) kamakalawa, 1 Hunyo.

Pinamunuan mismo ni BoC Commissioner Ariel F. Nepomuceno at NBI Director Atty. Melvin Matibag ang inspeksiyon sa Talco Cold Storage Corporation isang warehouse sa Barangay Calipahan, Talavera, Nueva Ecija, kasama ang iba pang matataas na opisyal mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa agricultural smuggling.

Ayon kay Nepomuceno, nagsimula ang operasyon sa isang ulat ng paniniktik na ibinigay ng NBI.

Sinuri ng BoC at mga kawani ng NBI ang bodega noong 21 Abril, at matapos kompirmahin ang impormasyon ay inilabas ang Letter of Authority (LOA) noong 24 Abril upang magsagawa ng masusing inspeksiyon.

Sa pagsalakay, 23,298 sako ng iba’t ibang uri ng imported na sibuyas, may kabuuang halagang ₱35,437,198, ang nakompiska ng mga awtoridad.

Sinabing ito ay pasok sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act dahil lumampas ito sa ₱10 milyong threshold na itinatakda ng batas.

Iginiit ni Nepomuceno na hindi lamang sila tututok sa mga kawani ng bodega kundi pati sa mga ‘utak’ na nasa likod ng operasyon.

Sinabi ni NBI Director Matibag, may mga nakikitang posibleng paglabag at iregularidad kaya maaaring magsampa ng kaso laban sa mga responsable sa ilegal na pagpasok ng mga sibuyas sa bansa.

Binigyang-diin ni Matibag na ang NBI, BoC, at Department of Justice (DOJ) ay patuloy na nakikipag-ugnayan upang samapahan ng kaso ang lahat ng sangkot, kabilang ang mga posibleng napekeng dokumento, umiwas sa pagbabayad ng wastong buwis, at lumabag sa mga batas na may kaugnayan sa agricultural smuggling.

Ayon sa BoC, ang mga nakompiskang sibuyas ay iniuugnay sa Jonika Agricultural Products Trading, isang rehistradong kompanya na kasalukuyang sumasailalim sa mas malalim na imbestigasyon.

Ayon sa isang empleyado ng Talco Cold Storage Corporation, ang kompanya ay umuupa umano ng espasyo sa kanilang pasilidad.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang lahat ng indibiduwal at posibleng mga opisyal na responsable sa kaso. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …