Wednesday , June 24 2026
Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad ang mga anti-narcotics agents sa panibagong entrapment operation sa bayan ng Bongao sa Tawi-Tawi nitong Lunes, 1 Hunyo.

Ang naturang entrapment operation ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay kasunod ng kanilang pagkakakompiska sa isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P6.8 milyon, mula sa isang tricycle driver, kinilalang si Jaylani Talib Amin, na kanilang na-entrap sa isang lugar sa Bongao rin nitong Linggo, 31 Mayo.

Sa ulat nitong Martes ng local executives sa Bongao at ni Tawi-Tawi Gov. Ysmael Sali, tumulong sa pagkakasa ng entrapment operation nitong Lunes, nakadetine na ang 13-anyos suspek, na hindi pinangalanan dahil menor de edad, nakunan ng PDEA-BARMM agents ng isang kilong shabu sa isang entrapment nitong Lunes sa Barangay Simandaguit sa Bongao, ang kabisera ng Tawi-Tawi.

Sa pahayag nitong Martes ni Edgar Jubay, regional director ng PDEA-BARMM, agad inaresto ang menor de edad na suspek ng kanilang mga agents, sa pangunguna ni Abraham Solon Kalim at mga operatiba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …