Thursday , January 16 2025
dead gun police

Karinderya pinaulanan ng bala
2 PATAY, 2 SUGATAN

AGAD namatay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa nang paulanan sila ng bala ng apat na hindi kilalang mga suspek sa isang karinderya sa National Highway, sa Brgy. Sto. Niño, sa bayan ng Tunga, lalawigan ng Leyte, nitong Linggo, 4 Disyembre.

Kinilala ang mga napaslang na biktimang sina Benjamin Balais at Ace Sonorio, kapwa mga residente sa kalapit na bayan ng Barugo, sa naturang lalawigan.

Samantala, sugatan ang manager ng establisimiyento na si Jastine Cello, at Mary Jean Lucelo, kahera.

Nabatid na apat na kalalaking pawang may suot na bonnet at sakay ng isang SUV ang bigla na lamang dumating dakong 2:40 pm saka pinagbabaril ang mga biktimang kumakain sa karinderya.

Huli sa kuha ng CCTV camera ang mga suspek na bumaba ng sasakyan at saka tumakas patungo sa bayan ng Carigara.

Dinala ang mga sugatang biktma sa pagamutan habang inalerto ng lokal na pulisya ang iba pang mga himpilan sa lalawigan upang matukoy ang kinaroroonan ng mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

011625 Hataw Frontpage

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …

Sa Tawi-Tawi 121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

Sa Tawi-Tawi
121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

NASAGIP ng Philippine Navy ang 121 pasahero ng isang istranded na barkong naiulat na nawawala …

Daniel Fernando Bulacan Marcelo H Del Pilar National High School

Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando

“MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at …

QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas …

Apo sa pamangkin minolestiya lalaki kinulata bago arestohin

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 43-anyos na lalaki dahil sa alegasyong panggagahasa sa 4-anyos …