Saturday , June 21 2025
Jillian Ward Boy Abunda

Jillian sa kumukuwestiyon ng mga naipundar — naka-diaper pa lang, nagwo-work na ako

MA at PA
ni Rommel Placente

SA eksklusibong panayam kay Jillian Ward sa limited talk series na My Mother, My Story  ng GMA 7,hosted by Boy Abunda, sinagot niya sa kauna-unahang pagkakataon ang mga malisyosong isyu tungkol sa pagkakaroon ng mga mamahaling sasakyan, at ang magarbong 18th birthday party noong Pebrero 2023.

Sabi ni Jillian, “First time kong mag-open up about it. First time rin na-interview about it.

“I just hope na nakikita nila na two years old pa lang ako, naka-diaper pa lang ako, nagwo-work na ako.

“I think naman somehow na lahat po na mayroon ako is deserve ko through my hard work. I just hope na huwag silang masyadong maniwala sa fake news.

“Ganyan na po sila ever since. Parang underage pa lang ako, ang dami nang misconceptions about me.

“I think medyo unfair po siya kasi sana nakikita nila na naka-diaper pa lang ako, nagwo-work na ako [sa TV commercial].

“Hindi pa po ako nakapagbabasa, nagwo-work na ako,” giit ng dalaga.

Nagsimula ang acting career ni Jillian sa edad lima. Kabilang sa mga teleseryeng tinampukan ni Jillian sa GMA-7 noong child star siya ay ang The Last Prince (2010), Trudis Liit (2010), Jillian: Namamasko Po (2010-2011), Captain Barbell (2011), Daldalita (2011-2012), Biritera (2012), Luna Blanca (2012), Home Sweet Home (2013), One Day Isang Araw (2013), My BFF (2014), Pari ‘Koy(2015), Poor Señorita (2016), Sa Piling Ni Nanay (2016-2017), Daig Kayo ng Lola Ko (2017-2019), at Super Ma’am (2017-2018).

Nang mag-teenager hanggang sa magdalaga si Jillian ay hindi siya nawalan ng mga proyekto sa Kapuso network. Kabilang dito ang My Special Tatay (2018-2019), Prima Donnas (2019-2022), at ang kasalukuyan pa ring umeere na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa rami ng seryeng ginawa ni Jillian,ilang TV guestings, out-of-town at corporate shows, endorsements at paggawa ng pelikula, marami na rin naman siyang naipon, ‘di ba?

Sabi nga niya, “Napag-ipunan ko po lahat ng mayroon ako ngayon.”

Nilinaw naman ni Jillian na may mga nakihati sa mga gastos niya kaya naidaos sa isang five-star hotel ang kanyang debut noong nakaraang taon.

Like ‘yung sa debut, even GMA-7, nag-share sa debut party ko. ‘Yung mga endorsement ko po, nag-share sila.

“So, kumbaga lahat ng mayroon ako, galing po ‘yan sa hard work ko talaga. Sa malinis na paraan.

“So, I find it a bit unfair. Mayroon silang mga sinasabi na walang basis talaga.

“Parang ang cruel niya po kasi underage ako tapos mayroon silang mga sinasabi na mga scandalous na mga bagay na wala po talagang basis. Sobrang fake news.

“Ilang taon ako noon? Sixteen.”

Pagpapatuloy ni Jillian: “’Yung cars ko, galing sa mga endorsement ko, sa mga taping ko.

“Ilang years na akong nagte-taping, 15 years na next year. Sa 20th birthday ko.

“Medyo nalungkot ako dahil hindi nila nakikita ‘yung hardwork ko.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Claudine Barretto

Claudine may pinagdaraanan, ninenega sa socmed

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI naman ang naawa kay Claudine Barretto dahil sa kasalukuyang pinagdaraanan na tila …

Marian Rivera Pokwang Jay Joseph Roncesvalles

Marian, Joseph, at Pokwang hurado sa isang dance competition

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UUPONG hurado sa Stars on the Floor ang dancing queen na si Marian Rivera kasama …

Alden Richards Stars on the Floor

Alden itinuturing na pinaka-da best ang Stars on the Floor 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PROUD na proud si Alden Richards bilang host ng Stars on the Floor na magsisimulang …

SB19

SB19 hakot award sa 2025 Music Rank Asian Choice Awards Japan  

MATABILni John Fontanilla BIG winner sa Music Rank Asian Choice Awards Japan 2025 ang tinaguriang King of …

Kyline Alcantara Ruffa Gutierrez

Kyline life lesson mula kay Ruffa: always choose yourself

MA at PAni Rommel Placente MAY bagong serye si Kyline Alcantara sa GMA 7. Ito ang Beauty Empire, na …