Tuesday , December 3 2024
Bernard Kaibigan Palawan

Pamilyang Pinoy protektado sa Palawan ProtekTODO

BATAY sa datos ng Philippine Insurance Commission, nananatiling mababa sa 1.75 porsiyento ang bilang ng mga Pinoy ang tiwala pagdating sa usapin ng insurance. Ngunit, ang malaking pagbabago bunga ng digitalization at pagtaas sa kaalaman sa aspeto ng ‘financial literacy’ ay inaasahang magdadala ng malaking benepisyo sa larangang ng insurance business.

Mismong ang PIC ay nagpa-alala sa mga negosyante na palakasin ang kanilang mga programa para maipahatid sa mas nakararaming Pilipino ang benepsiyon dulot ng insurance nang sa ganoon ay mapalago ang industriya.

Sa naturang panawagan, kaagad na umaksyon at tumalima ang Palawan Group of Companies – ang nangunguna at pinagkakatiwalaang sanglaan at naghahatid ng serbisyong pinansiyal sa bansa – upang masiguro na mailalapit sa masang Pinoy ang mga programa sa pagseseguro.

Bunsod nito, pinalawak ng PGC ang inisiatiba sa pamamagitan ng pagpapalakas sa inilunsad na ProtekTODO microinsurance program.

Ang Palawan ProtekTODO ay isang program sa insurance na naibabagay sa pangangailangan ng masang Pilipino at sa mababang halaga. Sa Palawan ProtekTODO, bawat indibidwal, estudyante, bawat miyembro ng pamilya, kasambahay, maging maliit of pangkakaraniwang negosyante ay makakakuha na kaseguruhan sa kanilang pangangailangang pinansiyal sa panahon ng sakuna, kamatayan o anumang insidente maging gawa ng kalikasan.

Bahagi ng programa ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa sandali ng biglaang pangangailangan, pagkasakit kabilang ang dengue, pangangalaga sa alagang hayup at maging sa naisanglang ari-arian.

Umaabot sa P15,000 hanggang P100,000 ang insurance coverage ng ProtekTODO sa mababang halagang P20 pesos. Katambal ng Palawan ProtekTODO program ang mga respetadong kompanya tulad ng Liberty Insurance Corporation, AlliedBankers Insurance Corporation, at Generali Life Assurance Philippines, Inc. Ang partisipasyon ng mga mapagkakatiwalaang kompanya ay inaasaang magdudulot ng kaseguruhan at kapayapaan sa kaisipan ng policyholders.

Bukod sa kabuuang  3,300 Palawan Pawnshop branches sa buong bansa, madali ring makapag-apply ng Palawan ProtekTODO insurance sa pamamagitan ng PalawanPay app at iba pang pakner na e-commerce platforms tulad ng  Lazada at Shopee.  Ang mga parokyanong may ‘Suki’ card ay mas makapipili ng kanilang nais na pamamaraan sa pagkauha ng microinsurance covarge sa pamamagitan ng digital platform ng Palawan.

“In our commitment to meet the ever-evolving needs of our sukis, we aim to offer affordable, flexible, and easy-to-understand insurance policies to ensure their protection and that of their families. It’s all about providing peace of mind. Whether it’s unexpected medical bills or unforeseen accidents, we made sure that Palawan ProtekTODO can offer protection for whatever life has in store,” pahayag ni Bernard Kaibigan, Enterprise Marketing Head for Remittance and Auxiliary Services ng Palawan Group of Companies.

Ang Palawan Group of Companies ang itinuturing fastest-growing financial institution sa bansa, tampok ang 25,000 branches, Pera Padala outlets, at PalawanPay money shops. Patuloy nitong itinataas ang kalidad ng industriya sa paneneguro para sa masang Pilipino.

Para sa madaling pakikiag-ugnayan, libreng maida-download ang PalawanPay app sa inyong Apple Store, Huawei App Gallery, o Google Play Store. Para sa karagdagang impormayon hingil sa Palawan Pawnshop’s ProtekTODO Personal Accident Insurance, bisitahin ang https://www.palawanpay.com/insurance-from-palawan-protektodo/ .

Insurance from Palawan Protektodo – PalawanPay.

About hataw tabloid

Check Also

P1.3-M ismagel na yosi nasabat sa checkpoint

P1.3-M ismagel na yosi nasabat sa checkpoint

SA PUSPUSAN at maigting na pagpapatupad ng 24/7 checkpoints sa lahat ng panig ng Gitnang …

Arvin Lulu Mommy Lerms Lerma Lulu skin care online sellers

Miyembro ng gun-for-hire
‘MIDDLEMAN’ SA PAGPASLANG SA MAG-ASAWANG ONLINE SELLER ARESTADO

NAARESTO ang isang miyembro ng gun-for-hire group at itinuturong ‘middlemen’ sa brutal na pagpatay sa …

Pandi Bulacan HISTORICAL TOURIST SITE TINANGKANG HUKAYIN 10 ILLEGAL MINERS ARESTADO

Sa Bulacan  
HISTORICAL TOURIST SITE TINANGKANG HUKAYIN 10 ‘ILLEGAL MINERS’ ARESTADO

SAMPUNG indibiduwal ang inaresto ng pulisya matapos maaktohan na tinatangkang hukayin ang bakod at concrete …

113024 Hataw Frontpage

Tila iniwan sa ere ng SMARTMATIC
ERICE NAGPAKALAT NG MAPANIRA, MALING INFO — COMELEC

TILA iniwan sa ere ng Smartmatic ang binansagang kontrobersiyal na ‘dating attack dog’ ng Liberal …

113024 Hataw Frontpage

VP Sara di-sumipot sa NBI

HINDI natuloy ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Vice President Sara Duterte …