Wednesday , May 22 2024
Rhea Tan Beautéderm Blackman family

Beautéderm CEO Rhea Tan at Blackman family, click agad sa unang pagkikita

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGTAGPO ang Beautéderm founder at president na si Rhea Tan at ang Blackman family (Jeraldine and Jette) nang i-welcome ng una sa kanyang 7-storey building sa Angeles City, Pampanga ang kilalang social media personality.

Mabilis na nagkasundo sina Ms. Rhea at Jeraldine na parehong Ilocana. Si Ms. Rhea ay taga-Vigan, habang taga-Ifugao naman si Jeraldine. 

Nakatutuwa na ang dalawang babae ay nagkatagpo — na mapagmahal sa pamilya at hindi kinakalimutan ang kanilang pinanggalingan.

Sabi ng business magnate sa Filipina influencer, “You are an inspiration especially to women. You are so authentic that’s why people love you. Kapag pinapanood namin ang videos mo, parang kasama mo na rin kami sa iyong journey as a mother and as a career woman.”

Sagot naman ni Jeraldine, na binisita ang Beautéderm, Beauté Beanery, A-list Avenue, at sumabak pa sa ‘Hakot Challenge,’ “I admire you as an entrepreneur. You are so successful pero nag-click agad tayo. We’re both hardworking Ilocanas na ginagawa ang lahat para sa pamilya.”

Ang Blackman family ay may higit 2.5 million followers sa Instagram, 2.7 million sa Facebook, 2.3 million sa TikTok, at higit 340,000 subscribers sa YouTube.

Si Jeraldine ay kasal sa Australian nurse na si Joshua Blackman. Sila ay may dalawang cute na anak, sina Nimo (6) at Jette (4).

Sa isang panayam, ikinuwento ni Jeraldine kung paano siya nag-start sa social media. Taong 2021 raw ito, pero hindi pa sila masyadong kilala that time.

Noong March 2022 daw nang talagang nag-concentrate sila sa paggawa ng content creation. “It was just for fun. First, sa YouTube kasi, I was pregnant with Nimo. My husband was like, ‘Maybe you can do like YouTube video.’ So I did pero hindi siya nag-click.

“Then one time nakita ko iyong isang Korean star na I super love, sabi ko sa kasama ko, ‘Film me.’ Inilagay ko lang sa personal page ko. Hindi pa ako content creator noon. Tapos ang daming views, siguro nearly a million. Then I started getting notifications from Facebook na I can start monetizing my channel. I was like, ‘May pera pala rito.’

“Pero iyong content talaga that made us who we are now ay ‘yung video na ‘Married to a Filipina.’ I said maybe we can do a little skit. Ang daming views niyon. Pero ang audience lang namin noon ay just the Philippines or Filipinas who are married to Western husbands. Ayun, 10 videos noon, sunod-sunod na nag-viral pero 80% niyon ay mga Pinoy.

“Then once I joined my kids Jette and Nimo, doon na umakyat ‘yung global audience,” kuwento ni Mrs. Blackman.

Aminado rin si Jeraldine na ang bunso niyang si Jette ang may pinakamalakas ang hatak sa mga tao.

Anyway, nagkausap din sina Ms. Rhea at Jeraldine sa posible nilang collaboration.

Binigyan naman ng birthday gifts ni Ms. Rhea ang anak na babae ni Blackman. Post ni Jeraldine sa Instagram, “Jette feels so special. You made Jette’s mama and Jette happy. Thank you, A-list Avenue and Miss Rhea Tan for making Jette’s 4th birthday memorable for me.”

Nagpasalamat ang Beautéderm owner sa time na ibinigay ng Blackman family.

Aniya, na-touch siya sa effort ni Jeraldine na talagang dumayo pa sa Angeles. Bilang regalo ay may mga ibinigay siya sa influencer bago umalis.

“I’m just so grateful dahil nagbigay sila ng oras para bisitahin ang Beautéderm family. Dahil sa pagbisita nila, nakilala namin ang isa’t isa. I told them na dapat bumalik sila. They made the Beautéderm family happy. Plus, Jette’s cuteness, nakagigigil.” sambit pa ng generous na lady boss ng Beautederm.

About Nonie Nicasio

Check Also

Vilma Santos Metropolitan Theater

Ate Vi muling pinuno ang MET; SRO sa Bata Bata Paano Ka Ginawa

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN naming kakaiba ang ngiti ng mga tao sa Metropolitan Theater …

Heart Evangelista Chiz Escudero

Heart super proud kay Chiz habang nanunumpa bilang Senate President

HATAWANni Ed de Leon TAAS noo si Heart Evangelista habang sinasaksihan ang panunumpa ng asawa niyang si Chiz …

nora aunor

Nora Aunor ‘di pwedeng pintasan noon; Kasikatan tuluyan na bang naglaho?

HATAWANni Ed de Leon NATATANDAAN namin taong 1969 nang magsimula kaming magsulat, matindi ang popularidad …

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

TO UPGRADE the technological capabilities and improve the productivity and efficiency of MSMEs in the …

My Bae-Bi Boss Mar Soriano Mommy Dora Vincent Marcelo at June Mavaja

Mommy Dora bilib sa husay magdirehe ni Elsa Droga

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang actor & host na si Mar Soriano aka Mommy Dora sa kanyang bagong proyektong …