Thursday , February 29 2024
Year of the Dragon Valentines Snow World

Year of the Dragon at Valentine’s salubungin sa Snow World

KAHIT na medyo maginaw pa rin sa atin lalo na sa madaling araw, iba pa rin ang feeling na hatid ng tunay na snow, at iyan ay matatagpuan lamang sa Snow World Manila. Nakahanda na rin ngayon ang Snow World para salubungin ang Year of the Dragon at siyempre ang Valentine’s day.

Marami ng naiibang karanasan sa loob ng Snow World. Ilang ulit nang nangyari na habang namamasyal sila sa loob ng Snow World, lumuhod na lang sa yelo ang lalaki at inalok ng kasal ang kanyang girlfriend. Doon nagsimula ang engagememnt na nauwi sa kasalan. Marami namang dahil sa ginaw ay nagkayakapan at na-realize nila na may pagtingin pala sa isa’t isa, at doon nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Sinasabi ng mga Feng Shui experts na nangyayari iyan dahil sa “mandarin duck” na nasa may Snow Village. Ang mandarin duck ay sagisag ng pag-iibigan pang habambuhay sa paniwala ng mga taga-silangan, dahil ang mga hayop na iyan ay tapat sa kanilang mga partner habang buhay, at kung mamatay man ang isa, hind nagtatagal at namamatay din ang partner. Kaya nga sa tradisyon laging may mandarin duck sa mga kasalan, kundi man totoong mandarin duck ay imahe man lang niyon para magbigay suwerte sa mga ikinasal.

Kaya nga sinasabing nagkakaroon din ng “romantic feeling” basta nasa loob ng Snow World.

Bukod doon, nakahanda na rin ang Snow World para salubungin ang Chinese New Year. May mga nakasabit ng Chinese lanterns at mga figure ng dragon, para salubungin ang suwerteng heart of the dragon. Isang kilalang Feng Shui expert mula sa Singapore ang siyang nagbigay ng gabay kung anong mga figure, lanterns at kung paano ang directions ng mga iyon para magbigay suwerte sa mga magdiriwwang ng kanilang Chinese New year sa Snow World.

Kung giniginaw na kayo, maaaring uminom ng hot chocolate sa coffee shop sa loob mismo ng Snow World at para mas suwerte at magbigay ng tibay sa pagsasamahan, maaring kumain ng sticky rice mango, dahil sa sticky rice sinasabing mas magiging mahigpit ang pagsassama at dahil sa tamis ng mangga, magiging matamis rin ang pag-iibigan. 

Kaya huwag na ninyong palampasin ang pagkakataon na ipagdiwang ang Year of the Dragon sa loob ng Snow World sa Star City, kung gusto ninyong masiyahan, at maging masuwerte sa Year of the Dragon at lalong tumamis ang inyong pagmamahalan. Ang Snow World ay bukas mula 2:00 p.m. Huwebes hanggang Linggo.

About hataw tabloid

Check Also

Sheryl Cruz Analyn Barro Jo Berry

Sheryl at Annalyn nag-sorry bago saktan si Jo Berry

I-FLEXni Jun Nardo BAGO pa man saktan ng Kapuso artist na si Annalyn Barro si little persona  Jo …

Luis Manzano Jessy Mendiola Vilma Santos Ralph Recto Edu Manzano

Ate Vi, Ricky Lee binigyang pagkilala ng CCP at St. Paul-QC

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN ang blended family nina Vilma Santos-Recto, asawang Sen. Ralph Recto, at anak na si Christian kasama …

Blind item gay male man

Young actor buking ni direk pagpapahada sa matandang showbiz gay

ni Ed de Leon PINAG-UUSAPAN nila ang isang matandang showbiz gay na para raw halimaw basta may …

Bea Alonzo Dominic Roque

Dahilan ng hiwalayan nina Bea at Dominic inilantad 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON unti-unting lumalabas na ang ibang detalye. Kasalukuyan daw palang gumagawa …

Coco Martin Ricky boy

Karga-kargang bata ni Coco na si Ricky Boy may potensiyal sumikat

HATAWANni Ed de Leon MAY nakita kaming picture ng isang poging batang lalaki na karga-karga …