Wednesday , February 21 2024
Nagpanggap na dog buyer, carnapper pala tiklo

Nagpanggap na dog buyer, carnapper pala tiklo

KALABOSO ang inabot ng isang lalaki matapos arestuhin ng pulisya nang tutukan ng baril at pagtangkaang sikwatin ang sasakyan ng katransaksiyon sa bentahan ng aso sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Alyas Donato, ng Rosario, Cavite na arestado ng Malolos City Police Station (CPS}  kasunod ng bigong tangkang pag-hijack ng isang sasakyan sa kahabaan ng Paseo Del Congreso, Brgy. San Agustin, City of Malolos, Bulacan, dakong alas-1:30 ng hapon. 

Ayon sa ulat, unang napagkasunduan ng suspek na si alyas Donato at ang biktima na ibenta ang kanyang alagang asong German Shepherd. 

Habang papunta sa bahay ng bumibili sakay ng tricycle ng biktima, biglang pinagbantaan ng suspek ang biktima kasunod ang pagtutok ng baril, at tinangkang agawin ang minamaneho nitong sasakyan. 

Pero hindi nasiraan ng loob ang biktima at nanlaban ito hanggang sa kabila ng kanilang alitan, matagumpay na nadis-armahan nito ang suspek at mahigpit itong napigilan.

Ang insidente ay kaagad nakarating sa mga tauhan ng Malolos CPS at kanilang interbensyon, naaresto ang suspek, at ang insidente sa legal na paghahanap ay humantong sa pagkakakumpiska dito ng siyam na sachet ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na  54,000, drug paraphernalia, at isang kalibre.38 na baril na may tatlong bala

Kasalukuyang inaalam pa ng mga awtoridad kung modus na ng suspek ang magkunwaring magbebenta o mamili ng mga aso para mangarnap ng mga sasakyan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

SM, DOTr, break ground for EDSA Busway

SM, DOTr, break ground for EDSA Busway concourse
Commuters to have safer, more convenient transportation

SM Prime Holdings Inc., in partnership with the Department of Transportation (DOTr), led the groundbreaking …

Mr DIY 1

MR.DIY Philippines Marks 500th Store Milestone Event in Panglao, Bohol
Celebrating with a Store Grand Reveal, Media Round Table, and a Spectacular Motorcade

MR.DIY Philippines celebrated the grand opening of their Panglao, Bohol Branch with a festive and …

Valenzuela city magtatayo ng command center Nagbigay pa ng 2 swat van

Nagbigay pa ng 2 swat van
Valenzuela City magtatayo ng command center 

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Day ng Valenzuela, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang …

shabu drug arrest

2 tulak, nalambat sa buy-bust

DALAWANG tulak ng ilegal na droga ang nalambat makaraang kumagat ang mga ito sa isinagawang …

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril 10 pa law violators dinakma

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril; 10 pa law violators dinakma

ISANG lalaki na nag-iingat ng iligal at hindi lisensiyadong baril ang inaresto ng pulisya kabilang …