Saturday , May 18 2024
Innervoices

Miyembro ng InnerVoices binato ng sanitary napkin sa show

MATABIL
ni John Fontanilla

MAY unforgettable experience ang isa sa miyembro ng bandang InnerVoices, si Angelo Miguel(vocalist) sa isa sa nakalipas nilang show.

Dahil nga sa likas na kaguwapuhan, magandang height at husay sa pagkanta ay may mga babaeng gumagawa ng paraan para mapansin.

Ani Angelo, habang nagpe-perform sila ay biglang may nagtapon ng sanitary napkin sa stage kaya nagulat ito. Mabuti na lang daw at hindi tumama sa mukha niya.

Ang napkin ay may nakasulat na pangalan ng babae at cellphone number.

Natanong din ang isa pa sa miyembro na si Atty. Rey Bergado at sinabi nitong, “Mayroon nagbabato ng kaso!, pabirong sambit nito.

At kahit nga abala sa kanyang propesyon bilang abogado ay ginagawan pa rin nito ng paraan na makatugtog dahil mahal niya ang musika.

Sa ngayon ay abala sina Angelo at Atty. Rey at ang buong miyembro ng InnerVoices sa kanilang sunod-sunod na shows at sa promotion ng kanilang new single.

About John Fontanilla

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …