Friday , July 26 2024
KAMI NAMAN Kalikasan Kabataan Kagitingan youth music festival
ISASAGAWA ng Swim League Philippines (SLP) ang Migh-TYR WARRIORS 2024 Short Course Meet sa April 27 sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila. Sa pakikipagtulungan ng Central Northern Luzon CAR Swimming Coaches Association (CNLCSCA) at Manila International Alliance of Swimming Coaches United (MIASCU), ang isang araw na torneo ay bahagi ng grassroots sports development program na nakaayon sa programa ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI). Bukas ang torneo sa mga Kabataan maging anuman ang kinabibilangang swimming club at organisasyon. Nakalinyang paglabanan ang mga dibisyon sa Class A, B, C at D. “Show your best and be the next TYR PH Brand Ambassador,” pahayag ni SLP president Fred Ancheta. Sa mga interesadong lumahok, maaring ipadala ang entry sa [email protected] o sa [email protected]. Makipag-ughnayan din sa mobile no. 09178147729 at 09177140077 (Swim Philippines Secretariat). (HATAW News Team)

 “KAMI NAMAN” inilantad sa Kalikasan, Kabataan, Kagitingan youth music festival.

Natapos na ang misteryo tungkol sa malalaking

“Kami Naman” murals na nagsulputan sa iba’t ibang lugar sa bansa nang ito ay ilantad sa katatapos na “Kalikasan, Kabataan, Kagitingan” youth music festival sa Montalban Sports Complex, sa lalawigan ng Rizal. Hatid ng Students’ Actions Vital to the Environment and Mother Earth (SAVE ME) Movement, tampok sa youth music festival ang mga batikang musikero at mang-aawit gaya nina CJ Villavicencio na nagsilbing host, I Belong to the Zoo, Dilaw, Janina Teñoso, Illest Morena, Johannes Rissler, Kyle Echarri, at may special performance ni Gian Madrigal at Lara Maigue.

         Ang “Kami Naman” murals ay simbolo ng nararamdaman ng maraming Filipino sa mga nangyayaring bangayan sa gobyerno na hadlang sa pag-unlad ng bayan. Ang mga mural ay nagpapahiwatig ng pagnanasa ng taongbayan na magkaisa ang mga namumuno, itigil ang pamomolitika, at itigil na ang gulo. Dapat pagtuunan ng pansin ang pagseserbisyo sa bayan at pagtugon sa mga daing ng mamamayan.

Patok ang mensahe ng Kami Naman sa mga kabataan na dumalo na ikinagalak ng SAVE ME Movement dahil isinusulong nila ang youth empowerment.

Sa kanilang pahayag, “Nawa’y ang mga Kami Naman murals ay magsilbing hudyat sa patuloy na paghahangad ng pagkakaisa at pagpapaalala sa mga namumuno na bigyang halaga ang kapakanan ng bayan kaysa sarili nila.”

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …