Saturday , January 28 2023
Jerry Yap JSY

Hanggang sa pagkikitang muli Boss Jerry

ALAM naming ito ay isang bagay na hindi papayagan ni Boss Jerry Yap kung nabubuhay pa siya.

Tumatanggi nga siyang pag-usapan ang ginawa niya noong panahon ng bagyong Yolanda. Habang ang mas malalaking media entity na kung sabihin pa ay pag-aari ng mga bilyonaryo ay nanghingi pa ng donasyon sa publiko para makatulong sa mga biktima ng bagyo, si Boss Jerry naglabas ng sarili niyang pera, ginamit ang mga sasakyan ng Hataw, at iba pang inupahan niyang sasakyan para mabilis na madala sa Leyte ang ayuda para sa mga biktima ng pinakamalakas na bagyong tumama sa lupa.

Nitong panahon ng pandemya, si Boss Jerry lang iyong maya’t maya nagpapadala ng ayuda sa kanyang mga empleado, at iba pang mga kaibigang alam niyang nangangailangan. Mas malaki ang ibinibigay niya kaysa SAP, at natatanggap talaga ng dapat makatanggap ng buo. Marami ang naka-survive sa pandemya sa tulong ni Boss Jerry. Kaya nga nakalulungkot na kung kailan inaasahang matatapos na ang pandemya at saka pa siya umalis.

Nagulo ang buong industriya nang unang sumingaw ang balita na yumao na si Boss Jerry. Lahat ay nagpapahayag ng kalungkutan at panghihinayang. Hindi kalabisang sabihin na sana mas nauna na ang marami riyan na puro kalokohan lang ang ginagawa,bakit si Boss Jerry pa na matino?

Pero siguro iyon nga ang dahilan. Maraming mabubuting bagay nang nagawa si Boss Jerry para sa kanyang kapwa, at matibay ang kanyang pananalig sa Diyos, kaya hindi na niloob ng Diyos na makadama pa siya ng sakit dahil sa kanyang karamdaman. Niloob na ng Diyos na pagkalooban siya ng kapayapaan at kapahingahan.

Marami pang masasabi tungkol kay Boss Jerry. Isang matapang at makatarungang peryodista, isang pilantropo, isang mabuting ama hindi lamang sa kanyang mga anak kundi sa kanyang mga kasama sa trabaho na naging bahagi na ng kanyang pinalawak na pamilya.

Hindi na namin mararanasan ang isang Christmas party na iyong boss, ibinibigay ang lahat ng laman ng kanyang bulsa, at pati ang pera ng kanyang mga anak kinukuha pa para mai-Pamasko sa mga empleado.

Ayokong sabihing paalam Boss Jerry, kundi hanggang sa pagkikita nating muli.

(ni Ed de Leon)

About Ed de Leon

Check Also

Richard Yap Jodi Sta Maria Gabbi Garcia Joshua Garcia

Netizens wagi sa ABS-CBN, GMA, VIU collab

RATED Rni Rommel Gonzales PAYANIG ngayong 2023 ang groundbreaking series na Unbreak My Heart dahil nagsanib-puwersa ang GMA, ABS-CBN, …

Marian Rivera Boy Abunda

Marian pasabog ang mga sagot kay Kuya Boy; feeling sexy ‘pag hinahalikan ni Dong sa paa

RATED Rni Rommel Gonzales NAKAAALIW at pasabog ang mga sagot ni Marian Rivera kay Boy Abunda sa first episode …

Alden Richards Boy Abunda Julie Anne San Jose Julie Anne San Jose

Alden inamin kay Kuya Boy, Winwyn at Julie Anne niligawan

I-FLEXni Jun Nardo NAPIGA ni Boy Abunda si Alden Richards para magsalita tungkol sa artistang pinormahan nang mag-guest siya …

Ara Mina

Sa sunod-sunod na trabaho
ARA MINA AYAW MUNA MAGBUNTIS

I-FLEXni Jun Nardo TIME out muna si Ara Mina sa pagbubuntis this year. Eh nagdatingan kay Ara …

Spa Massage

Spa ginagamit para ibugaw mga starlet at indie stars

ni Ed de Leon AKTIBO na naman umano ang mga showbiz pimps. May isang showbiz pimp na …