Thursday , June 18 2026
Isko Moreno Limang suspek arestado sa pagbebenta ng expired na pagkain sa Quiapo

Limang suspek arestado sa pagbebenta ng expired na pagkain sa Quiapo

ARESTADO ang limang indibidwal na sangkot sa pagbebenta ng mga expired na pagkain sa Quiapo, Maynila matapos ang isinagawang operasyon ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT).

Sa programang Talk To The People, iniharap ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang mga suspek na pawang mga vendor na nahuling nagtitinda ng mga expired na produkto.

Ayon kay PCol. Edward Samonte, hepe ng  SMaRT, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang asset hinggil sa talamak na bentahan ng expired goods sa lugar. Agad na ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakasamsam ng mga expired na produkto na tinatayang nagkakahalaga ng ₱950,000.

Sa isinagawang imbestigasyon, itinuro ng mga suspek ang kanilang amo na si Marivic Jaime, na umano’y may-ari ng tindahang kanilang pinapasukan.

Ayon kay Mayor Isko, hindi niya pinalampas ang naturang ulat dahil sa matinding panganib na dulot ng mga expired na pagkain sa kalusugan ng publiko.

Nagpaalala rin siya sa publiko na maging mapanuri sa mga binibiling pagkain.

“Mag-ingat kayo, hindi porke’t mura ay ligtas nang kainin,” paalala ng alkalde.

Patuloy ang kampanya ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila laban sa mga mapanlinlang at iligal na gawain upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Manileño. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

DOST Ilocos Region Open Gov Week 2026

DOST Ilocos Region Recognized as Valued Partner in Advancing Open Governance

The Department of Science and Technology Ilocos Region (DOST Ilocos Region) led by Regional Director …

Bulacan, DILG unveil SGLG-funded slope protection in CSJDM

Bulacan, DILG unveil SGLG-funded slope protection in CSJDM

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB), in partnership with the Department …

Volleyball Nations League VNL

Women’s Volleyball Nations League (VNL) Philippine leg
Mga Volleyball Powerhouse Maghaharap sa Philsports Arena

ISANG matinding hanay ng mga kampeon at medalists ang magtatagisan sa Philippine leg ng Women’s …

PSC Pato Gregorio ICTSI Athletics Championships

Gregorio, pinuri ang matagumpay na ICTSI Athletics Championships; suportado ang Korea-PATAFA partnership

NEW CLARK CITY — Tinapos ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang ICTSI …

Goitia Gibo Teodoro

Goitia kinondena ang panggigipit ng Tsina kay Teodoro, nagbabala sa unti-unting panghihimasok sa Bajo de Masinloc

MARIING kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pagpapataw ng sanksyon ng Tsina …