ni MARICRIS V. VALDEZ
IISA halos ang sinasabi ng mga nakapanood na ng Home Along Da Riles: Da Reunion—Maganda, nakatatawa, iba ang nostalgia trip.
Inamin noon ni Boy 2 o Dos sa mga interbyu niya na aksidente ang naging pagpaplano na sitcom minahal ng marami at pinagbidahan sa telebisyon ng Comedy King na si Dolphy.
“Hindi iyon ang intention namin (gawing pelikula). Hindi sinasadya,” panimula ni Dos nang makausap namin sa grand presscon ng Home Along Da Riles: Da Reunion kamakailan.
Sinabi ni Boy 2 na nag-umpisa ang lahat nang mag-reunion ang dating cast ng Home Along…at inabot ng dalawang taon bago nabuo at nahanap ang buong cast.
“Masaya na finally nabuo na ang pamilya Cosme. Pero ang buong process nagkaroon din ng stages na malungkot,” ani Boy nang kumustahin ang pagdidirehe ng pelikula.
“Malungkot dahil marami na kaming mga kasama na wala,” wika pa ng aktor/direktor.
Inamin din ni Boy 2 na sobra siyang na-pressure sa paggawa ng pelikula. “Siyempre if you are working on something na minahal ng mga tao, kasama iyon eh.
“Ang naging motivation ko na lang ay iyong legacy, to honor everyone who became part of it. Tapos surreal lang kasi dati isa lang ako sa mga batang makukulit tapos ngayon ako na ang nag-aaksiyon.
“Nagkataon na nakakahilo, nahilo rin ako sa pagdidirek nito. Kasi nakakalimutan ko na aarte rin ako rito. Kasi minsan kina-cut ko ang sarili ko,” natatawang kuwento ni Boy 2 na gumaganap bilang si Estong.
Sinabi pa ni Dos na natuwa siya dahil naging madali rin ang naging pagdidirehe niya sa pelikula dahil sa support system.
“Iba ‘iyong support system namin, pamilya talaga eh. It’s actually Maybe (Maybelyn dela Cruz) and Vandolph push me na, ‘ikaw magdirek.’ Noong una kasi ayaw kong magdirek.
“Actually, ang unang option ko was to talk to Kaiz (Eric Quizon) kasi noong time na iyon, gusto ko talaga siya eh.
“Mahirap na kasing i-produce, mahirap na iyong role na iyon, from end to end and I want to focus on something especially na magiging part din ako noong time na iyon.,” anang aktor.
Sina Vandolph at Maybelyn ang talagang nagpilit kay Boy 2 para idirehe ang pelikula.
“Sabi ni Vandolph kailangan may isang nakakaalala talaga, kilala tayo, iyong process na ito it won’t be easy kasi unang-una hindi naman ito mama-mount ng hindi taga-samin eh.
“Para lang magawa ko siya ng madali eh kailangan kong i-collaborate ang buong cast including kung ano-ano na ba iyong representation ng character na alam mo. Ano iyong kwento na gusto mong ipakita ngayon?
“Without them it wouldn’t be easy. And feeling ko naman naging patient naman silang lahat,” paglalahad pa ni Dos.
Tama ang tinuran ni Vandolph na kailangang ang magdirehe ay iyong nakakaalala ng mga nangyari noon sa kanilang sitcom na siyang nakikita ngayon sa kanilang pelikula.
In fact, klik na klik sa mga manonood ang old school comedy sa Home Along Da Riles: Da Reunion.Napagtagumpayan ni Dos at ng buong cast tulad nina Nova Villa bilang Corazon o Aling Ason, Smokey Manaloto bilang Bill Kosme (ang panganay ni Mang Kevin), Claudine Barretto bilang Bing Kosme, Vandolph bilang Baldomero “Baldo” Kosme, Gio Alvarez bilang Bob, Boy 2 bilang Estong Cosme, at Maybelyn Dela Cruz bilang Maybe (One of the family members, anak ni Ason).
Talagang hagalpakan sa sinehan. Uso nga ang nostalgia trip.
Congratulations sa bumubuo ng Home Along Da Riles: Da Reunion lalo kay Boy 2 dahil alam naming matagal na niyang pangarap ang maging direktor at dito napagtagumpayan niya ang kanyang pangarap.
Pqlabas na sa mga sinehan ang Home Along Da Riles: Da Reunion kaya sugod na dahil tiyak hindi kayo magsisisi, bagkus ikasisiya ang panonood.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com