Thursday , June 18 2026
Kolette Madelo

Kolette Madelo hindi nawawalan ng proyekto

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI man siya ang pinalad maging Big Winner sa Pinoy Big Brother: Gen 11 ay alagang-alaga pa rin ng ABS-CBN ang career ni Kolette Madelo. Hindi siya nawawalan ng proyekto sa estasyon.

Sa ngayon nga ay regular performer siya sa ASAP tuwing Sunday. At isa rin siya sa mainstay sa action series na Blood vs Duty, na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Richard Gutierrez. Gumaganap siya rito bilang si Nurse Gracia.

At hinahangaan siya sa nasabing serye dahil sa husay sa pagganap na ipimamalas niya.

Lumabas din siya sa bagong season ng Kapamilya Deal of No Deal, hosted by Luis Manzano.

Samantala, sa 7th VP Choice Awards, na ginanap noong April 29 sa Blue Leaf Cosmopolitan in Quezon City,  ay tumanggap ng award si Kolette bilang Solo Performer of the Year para sa performance sa Call Me, ang kanyang single.

Ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng kanyang pambihirang talento, at katayuan bilang nangungunang artista sa industriya ng libangan ng mga Filipino sa TikTok.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tumanggap ng award si Kolette sa VP Choice Awards.

Last year ay pinarangalan din siya bilang  Viral Tiktok of the Year (along with Jarren Garcia).

Talagang paborito sa VP Choice Awards si Kolette. Hindi naman kataka-taka ‘yun dahil  sa pagiging talented niya, kaya nga napapansin siya sa nasabing award giving body.

Siyempre pa, sa mga achievement ng dalaga ay sobrang happy ang mga supporter niya lalo na ang kaibigan naming si Rose Siason.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia Gibo Teodoro

Goitia kinondena ang panggigipit ng Tsina kay Teodoro, nagbabala sa unti-unting panghihimasok sa Bajo de Masinloc

MARIING kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pagpapataw ng sanksyon ng Tsina …

Nartatez PNP

Higit pa sa malaking drug bust: Bakit mahalaga ang hatol na ito?

NANG makumpiska ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 1.4 toneladang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱9.68 …

Lifeline Chemotherapy Center

Cancer patients in San Jose del Monte City can now avail free chemotherapy at Lifeline Chemotherapy Center

Recent data from the Department of Health reveals a growing incidence of cancer in Bulacan, …

Bam Aquino

Bam Aquino pinaiimbestigahan mabagal na paglulunsad ng P67-B pondo sa pagtatayo ng silid-aralan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGBALIK bilang tagapangulo ng Senate Committee on Basic Education si Senador …

Supreme Court 125th Anniversary NHCP

SC Unveils Historical Marker, Plaque for 125th Anniversary

MANILA, Philippines — The Supreme Court of the Philippines officially unveiled a historical marker from …