MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si Pura Luka Vega.
Kumalat ang mga larawan nito habang pinangungunahan ang banal na komunyon sa isang simbahan sa San Juan na nagpapatibay at tumatanggap sa komunidad ng LGBTQIA+.
Ini-repost ni Direk Louie sa kanyang Facebook ang post ng Catholic Tradition & Evangelization kaugnay ng insidente na may caption na, “Kung tripping lang ang gusto nito WAG na WAG naman gamitin ang Panginoon Matakot at Rumespeto ka naman Parating na Ang KARMA sayo.”
Maging ang mga netizen ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Pura Vega. Anang mga netizen:
“Walang Respeto, karma ang kasunod nyan.”
“Direk Louie, di na nadala ang baklang yan, nakulong na yan sa pambabastos sa image ng PANGINOON…”
“This has nothing to do with Pride and LGBTQ rights, but question of respect to other people.”
“May issue na yan dati sa Ama namin, now inulit nanaman, for what, for attention.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com