SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
MASUWERTE ang mga taga-Amadeo, Cavite dahil mayroon silang isang lugar na matatawag na pahingahan o quiet place na makapagbibigay ng kaginhawahan at kasiyahan.
Ito ang Alu Garden na kompletos rekados ‘ika nga sa magkakaibigang may-ari nitong sina Albert Cano, Heiz Robert Andros, at Leslie Ann Uy.
Si Albert ay matagal nang may negosyong spa, massage, at salon habang si Heiz ay mahilig sa gaming, at si Leslie gustong makapagtayo ng coffee shop. Kaya nang magsama-sama nabuo ang isang one stop shop na kapag pinasok tiyak masisiyahan ang lahat.
Dinagdagan pa ng ibang negosyo na tamang-tama sa pamilyang naghahanap ng lugar na pwedeng makapagpahinga, mag-rekonek, at mag-celebrate ng life’s eveyday moments.
At sagot itong lahat ng Alu Garden na may cool, serene landscape na matatagpuan sa Amadeo, Cavite na kasing lamig ng Tagaytay.
“It’s not just a place to stay, it’s a place to slow down,” wika ng tatlong may-ari ng Alu Garden.
Sa Alu Garden matatagpuan ang private villas na may dipping pool na ideal para sa pamilya na gustong magkaroon ng exclusivity at tamang-tama para makapag-relax gayundin sa mga intimate celebration o simpleng pagninilay-nilay na may privacy.
Ang bawat kwarto sa villa ay tiniyak na magiging komportable para sa lahat dahil bukod sa mala-hotel na atmosphere nito, stylish at practical para sa quick getaway o extended stays ito na nagbibigay ng seamless blend ng accessability a refinement.
Mayroon din silang cafe and restaurant, spa and massage services, gaming hub, at events place.
Ang Alu Garden ay isang lugar na mapi-feel mong close sa iyong bahay.
“It offers refreshing alternative to crowded tourist spots. It deliver’s the Tagaytay experience minus the congestion, making it especially appealing for families who prioritize ease and comfort,” anang mga may-ari ng Alu.
Kaya kung gusto ninyong makapag-recharge, mag-celebrate, o simpleng break lang mula sa araw-araw na gawain, magtungo na sa Alu Garden para i-rediscover kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagsasama-sama.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com