RATED R
ni Rommel Gonzales
NGAYON lang namin napanood sa pelikula si Anthony Jennings kahit sa mga nakaraan niyang teleserye at proyekto ay hindi namin siya napanood.
Sa pelikulang Laya ng Rein Entertainment, bilang si Benjo ay support siya nina Andrea Brillantes (as Sab/Brina) at JC Santos (bilang si Tuki).
Bukod sa napaka-guwapo at charming ng itsura ni Anthony, malakas ang rehistro niya onscreen.
Matangkad at mestiso, mabuti na lamang at malakas ang sex appeal ni JC, kundi ay baka natabunan siya ni Anthony na nakakaarte rin.
Given na ang husay ni JC bilang aktor, na aniya’y pelikulang pinakamarami siyang eksenang umiyak, pero si Anthony, kahit hindi sinasadyang manapaw ay nakakaya ring mag-shine sa mga eksena niya.
Partida pa nga na si Anthony, bukod sa ilang drama scenes ay marunong ding magpakuwela.
Bukod kay Anthony at sa dalawang beses na papuwet ni JC, worth panoorin sa mga sinehan ang pelikula ni direk Sigrid Andrea Bernardo, napaarte niya at ginawang aktres si Andrea sa unang pelikulang pinagbidahan nito.
