HARD TALK
ni Pilar Mateo
SWAK na swak naman sa init ng panahon ang pinagdausan ng launching ng kantang Perfect Summersa The Vibe ng Arcovia sa Pasig.
Tumatagaktak ang pawis ng mga nakisaya sa muli na namang pakikipagniig sa pinakabatang CEO ng kanyang kompanya na si Kryzl Jorge.
Umaalagwa nang husto ang kanilang Purple Hearts products sa merkado.
Kaya may mga pagkakataong sinasamantala si Kryzl para magawa on the side ang isa pang passion niya. Ang paggawa ng kanta.
At sa pagkakataong ito, hindi sinolo ni Kryzl ang limelight sa ginawa niyang kanta para sa tag-init.
Kasama sa pagkanta pati na sa video nila sa dagat ang kanyang ate at mga kuya—Mca, Neo, Gello, at Evo.
Tulong-tulong sa nasimulan na nila sa kompanya ang pagtugon sa mga obligasyon nila —sa marketing and finance, sa promotions, pagtutok sa mga produkto at marami pa.
Mind you, isinasabay nila ‘yan sa kanilang pag-aaral.
Kahit pa mukhang mga artistahin ang Jorge siblings, ipinauubaya na raw nila kay Kryzl ang pagsalang sa showbiz. At sila ay patuloy lang na susuporta sa kanilang bunso.
Sa murang edad ni Kryzl (who’s turning 10 in June), pansin na niya ang mga bagay na nagbibigay ng inspirasyon sa galaw niya sa mundo. Kahit pa dalawa lang ang season natin sa bansa, Kryzl has made songs para sa iba’t ibang reasons sa ating buhay. Na sumesentro sa pagmamahalan, pagbibigayan at marami pang hinaharap ng bawat pamilya, kaibigan at lahat ng ating minamahal.
Ilan na nga ba ang mga nagawa niyang kanta? Walo!?
Good vibes ng pamilya sa summer ang mapakikinggan sa Perfect Summer na isang upbeat piece. Na babagay sa lahat ng panahon para maging soundtrack ng bawat buhay.
Ang aabangan din bukod sa pakikinig nito sa sari-saring music platforms ay ang pasabog na online challenge.
May pagkakataong ang online community na magkamit ng sangkaterbang premyo na mananalo sila ng Purple Hearts mini luggages na puno ng lahat ng kanilang produkto.
Sundan lang ang kanilang social media pages para sa mechanics ng nasabing palaro.
Ang narinig namin, may cash na ipamimigay sina Kryzl sa mapipili nilang TikTok piece. Lalo na kung may makaka-capture ng pagkanta ng Perfect Summer sa isang foorbridge sa may Commonwealth na makikita ang malaking tarpaulin ng Jorge Siblings.
So, ihanda na ang inyong summer get away videos to the tune of the Jorge’s Perfect Summer.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com