Wednesday , June 17 2026
PlayTime Miss Grand Adela Mae Marshall

PlayTime at Miss Grand nagsama sa isang natatanging proyekto  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PINASOK ng PlayTime Entertainment, isang integrated entertainment company ang makabagong panahon ng global entertainment sa pamamagitan ng makabuluhang pakikipag-ugnayan sa Miss Grand International All Stars 2026. Tanda ito ng isang mahalagang milestone ng brand sa pangakong ipagdiwang ang mga Filipino sa pandaigdigang entablado sa pamamagitan ng world-class entertainment, empowerment, at pagpapataas ng kagandahan at kulturang tunay na ipagmamalaki.

Bilang opisyal na entertainment partner, ang PlayTime Entertainment ay maghahatid ng one-stop exclusive entertainment content at behind-the scenes ng mga sandali ng paglalakbay ng mga kandidata para makamit ang inaasam-asam na korona. Ang mga tumatangkilik ng pageant ay maaaring makapanood ng live at libre sa YouTube channel ng PlayTime Entertainment.

Isasagawa ang Preliminary Round 1: Evening Gown & Bare Face Competition sa Mayo 27; Preliminary Round 2: Swimsuit Competition sa Mayo 28; at Grand Coronation Night sa Mayo 30.

Lahat ng streams ay live at libre, eksklusibo sa YouTube channel ng PlayTime Entertainment.

Ang pagtatagpo ng world-class entertainment at global cultural representation ay patunay na isinasagawa ng PlayTime Entertainment ang pangakong iangat ang talento ng mga Filipino sa pandaigdigang entablado. Ipinagmamalaki rin ng brand na palawakin pa ang kanilang suporta sa limang Filipina na makikipagtagisan ng galing sa darating na Miss Grand International All Stars 2026, na kakatawanin nila ang kakisigan, kompiyansa, at pambansang pagmamalaki sa harap ng pandaigdigang madla.

Ang mga kinatawan ng Pilipinas sa naturang kompetisyon ay sina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, dating Miss Philippines Earth 2016 Imelda SchweighartMiss International Queen 2022 Fuschia Ravena, Manila-based Brazilian-Filipino Beauty Queen Alexia Nuñez, at ang Universal Woman Arabia 2025 Keylyn Trajano. Ang bawat isang kandidata ay may pagmamalaking dala-dala ang sash ng Pilipinas na siyang sumasagisag sa kariktan, kahusayan, at pandaigdigang pagkakaiba.

“This landmark collaboration signals PlayTime Entertainment’s continued evolution as a forward-thinking entertainment brand,” ani Adela Mae Marshall, PlayTime Entertainment Spokesperson. “Beyond traditional partnerships, we aim to create meaningful engagements that seamlessly merge entertainment, empowerment, and cultural storytelling on a global scale.”

Ang ugnayan ng PlayTime Entertainment at Miss Grand International All Stars 2026 ay sumasalamin sa pananaw na muling pagtukoy sa kanilang mga karanasan sa pandaigdigang entablado habang ipinagdiriwang ang kompiyanss, pagkakaiba-iba, at kulturang tunay na ipinagmamalaki sa pandaigdigang tanghalan. 

Ang pagsasama-sama ng mga natatanging kababaihan mula sa buong mundo, ang kanilang pagtutulungan ay magbibigay ningning sa mga indibidwal na nagpakita ng kahusayan at namumukod-tangi sa kani-kanilang larangan, ay magsisilbing inspirasyon sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang mga tagumpay, layunin, at natatanging paglalakbay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Patricia Javier Imagine Me Without You

Patricia’s Imagine Me Without You music video labas na sa Youtube 

MATABILni John Fontanilla LABAS na ang Music Video ng awiting Imagine Me Without You ni Patricia Javier sa Viva YouTube …

Anna Katrina Lara

Anna Katrina excited sa Reignited concert

MATABILni John Fontanilla EXCITED na ang 2000 Metropop Grand Champion na si Anna Katrina Lara sa nalalapit na reunion …

Ryza Mae Dizon

Ryzza Mae nag-birthday sa Hongkong

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Hongkong ang actress at Eat Bulaga host na si Ryza Mae Dizon para i-celebrate …

Sofia Pablo

Sofia Pablo may alinlangan bago sumali sa PBB

RATED Rni Rommel Gonzales NAGDALAWANG-ISIP pala si Sofia Pablo na sumali dati sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab …

Dennis Trillo Calix Ho

Dennis sobra ang pasalamat anak na naaksidente maayos at mabuti na ang kalagayan

RATED Rni Rommel Gonzales MAKALIPAS ang isang buwan mula noong maaksidente si Calix ay ibinahagi ni Dennis Trillo na …