RATED R
ni Rommel Gonzales
HUMAMIG ng Best Actor at Best Supporting Actor awards respectively sina Dennis Trillo at Ruru Madrid para sa Green Bones noong 2024.
Bukod sa box-office success ay humakot ng sari-saring acting and technical awards sa iba’t ibang award-giving bodies ang pelikula. Kaya naman good news sa publiko ang muling pagsasanib-puwersa nina Dennis at Ruru sa upcoming GMA Prime series na Hari ng Tondo.
Sa interview ni Aubrey Carampel sa GTV News Balitanghali kamakailan, inihayag nina Dennis at Ruru ang excitement sa ginanap na story conference para sa kanilang reunion project.
Ayon kay Dennis, “Minsan lang kami magkatrabaho ni Ruru pero kapag binibigyan kami ng pagkakataon, talagang tiyak maganda at isang malaking proyekto!”
Sinabi naman ni Ruru na, “Finally ngayon sa isang teleserye, mas mahaba, mas maraming oras na magkakasama kami ni Kuya Dennis, so very excited!”
Bilang preparasyon sa project, nagkaroon si Ruru ng immersion para mas maunawaan at magampanang mabuti ang kanyang karakter na lumaki at nakatira sa Tondo.
“Noong natutunan ko pong kilalanin sila at aralin kung paano ba ang pamumuhay sa Tondo, na-realize ko na ganoon lang pala talaga sila kalalim na tao,” saad ni Ruru.
Sinabi naman ni Dennis na, “Feeling ko rito mas makare-relate ‘yung mga makakanood sa mga character namin, hindi lang sa akin, pati sa characters nina Ruru at sa mga ibang artista dito.”
Itatampok din ang Pinoy Martial Arts na Panantukan.”
“‘Yung Panantukan is dirty boxing. So, sabi ko parang swak na swak ito sa Tondo, sabi pa ni Ruru. “Ever since then talagang todo ensayo.
“Hanggang kahit nasa Spain ako, takbo ako nang takbo!”
Bonus pa sa upcoming serye, mapapanood din ang original Tondo Boy, ang kasalukuyang Mayor ng Maynila na si “Yorme” Isko Moreno!
Masaya si Yorme Isko na maipakikita sa serye ang kuwento ng lugar na kanyang kinalakihan at minamahal.
“Excited ako na ma-share naman ‘yung maraming mabubuti at magagandang nangyari sa buhay ng isang tao lalo na mga batang ipinanganak sa Tondo,” pahayag ni Yorme.
Balik-Kapuso naman dito si Ryza Cenon.
“First time ko siya makatrabaho, si Ruru and si Kuya Dennis naman nakatrabaho na siya before, bata pa ako.
“Tapos ‘yung story din sobrang isa sa mga favorite kong gawin ay ‘yung action,” ani Ryza.
Sa direksyon ni Enzo Williams, kasama
rin sa serye sina Rocco Nacino, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Heath Jornales.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com