Thursday , June 18 2026
Sue Ramirez Rico Blanco Project Baby Dominic Roque

Sue tiyak pagbuo ng magandang pamilya

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI naman masama kung magka-baby na ang  matagal nang magkarelasyong sina Sue Ramirez at Dominic Roque.

Keri na ba ni Sue na maging mommy ng mga magiging anak nila ni Dom?

Why not? Sana.

“Kung maibibigay, ‘di ba? I think Dominic will be a very, very good father in the future, if he does want to have kids.”

Ganito ang naging direksiyon ng tanong kay Sue dahil may pelikula sila ni Rico Blanco, ang Project Baby ng Regal Entertainment Inc. na ipalalabas sa mga sinehan sa June 10.

Sabagay, nasa tamang edad na naman si Sue para maging ina, she will be turning 30 years old sa July 20, at iyon na nga, ready naman na siya (maging ina).

Matagal ko na siyang gustong mangyari for me. Kapag tinatanong ako, ano bang gusto ko pang mangyari? Sabi ko, parang nagawa ko na lahat. Ang dami ko nang nagawa.

“Pero gusto kong maging nanay.

“Gusto kong maging nanay na katulad ng nanay ko. ‘Yun ang lagi kong sinasabi.”

At dahil nga 30 years old na si Sue, aminado siya na may kaunting pressure na siyang nadarama.

“’Yun nga, inevitable ‘yung ticking timebomb ng pagiging isang babae.

“Kailangan na siya ng kilos at galaw soon kung gusto nating may mangyari at may mabuong bata.

“Pero right now, I am still busy working. Pero kung ibibigay sa akin, why not?”

Okay lang ba sa kanya na magkaanak kahit hindi pa kasal?

Oo naman” pakli ni Sue.

Samantala, sa Project Baby ay siya si Sandy na gustong magka-baby sa isang sperm donor na walang commitment.

Okay din ba sa kanya ang ganitong sitwasyon?

Dati, naisip ko iyon. Baka kahit walang partner, baka kaya ko?

“Pero ngayon, mas ano na ako…siguro depende sa partner mo at the moment.

“Makikita mo rin talaga iyon at saka mas mabubukas pa ‘yung isip at puso mo sa possibility na I can still form a beautiful family.

“Pero if not, I think pipiliin mo pa rin ‘yung tao na alam mo na kahit maghiwalay kayo o mayroon kayong hindi napagkakasunduan, kapag medyo may certainty ka rin doon sa person that you want to do it with.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Patricia Javier Imagine Me Without You

Patricia’s Imagine Me Without You music video labas na sa Youtube 

MATABILni John Fontanilla LABAS na ang Music Video ng awiting Imagine Me Without You ni Patricia Javier sa Viva YouTube …

Anna Katrina Lara

Anna Katrina excited sa Reignited concert

MATABILni John Fontanilla EXCITED na ang 2000 Metropop Grand Champion na si Anna Katrina Lara sa nalalapit na reunion …

Ryza Mae Dizon

Ryzza Mae nag-birthday sa Hongkong

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Hongkong ang actress at Eat Bulaga host na si Ryza Mae Dizon para i-celebrate …

Sofia Pablo

Sofia Pablo may alinlangan bago sumali sa PBB

RATED Rni Rommel Gonzales NAGDALAWANG-ISIP pala si Sofia Pablo na sumali dati sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab …

Dennis Trillo Calix Ho

Dennis sobra ang pasalamat anak na naaksidente maayos at mabuti na ang kalagayan

RATED Rni Rommel Gonzales MAKALIPAS ang isang buwan mula noong maaksidente si Calix ay ibinahagi ni Dennis Trillo na …