HARD TALK
ni Pilar Mateo
ULING. Apoy. Bakal. Baga.
‘Yan ang nakakasama ngayon ng aktor na si Mark Neumann. Sa paglikha niya ng mga balisong, kutsilyo, katana, pati pana sa pagpa-panday ng mga bagay na siya na pala niyang negosyo.
Ang maalam sa mga bagay na gaya ng pagpa-panday na si Ram Maquimot sa Batangas ang siya ring nag-panday kay Mark para makuha ang mga ‘ika nga eh, tricks of the trade.
Sa ngayon, hindi pa nagpapa-komisyon ng sining niya si Mark. Pero kung mangyayari ‘yun eh, tiyak na makikita sa trabaho niya ang kanyang lagda.
Marami ang ginulat ni Mark nang makita ito bilang espesyal na panauhin ng kaibigan niyang si Leslie Ann Uy na nagbukas naman ng one-stop-place nito sa Amadeo, Cavite (na malapit lang sa Tagaytay) ng Alu Garden.
Ang kaibigan din nitong negosyante at may-ari ng isang language school na si Doc Art Cruzada ang nag-anyaya sa mga kaibigan niyang press para masilayan ang nasabing lugar.
Sari-saring negosyo ang nabuksan noon ni Ms. Leslie pero sa pagsasama nila ng kaibigang si Albert Caño na ilang spa rin ang naiikot na sa Pilipinas, hindi na sila nagdalawang isip na kunin ang naturang lupa.
“I am into the restaurant business. Gusto ko rin talaga magkaroon ng coffee shop ko. And tbis is the perfect place. Malaki ang lugar. At dahil alam kong magaling sa spa business niya si Albert, ‘yun din ang isang magiging feature ng makikita nila here in Alu. Na magkakaroon din ng salon.
“And my friend Heiz Robert Anros naman is into the gaming hub. Kaya nakita niyo na may lugar para all of that and may dalawang villas na rin na may dipping pool and kawa where pwede mag-stay ang guests. An event place roon sa likod will also be opened.”
Kaya sa mga mahilig mamasyal in that part of the South, Alu Garden offers a lot of good and fun things innots amenities. Na-try namin ang na-prepare ng kanilang chef na handa.
At sa susunod na pagdalaw, malalasahan din daw hindi lang ang Pinoy cuisine but, choice ng American, Mediterranean at iba pang makikita sa menu.
Hindi na dinisclose sa amin ni Ms. Leslie ang halaga ng bago niyang investment.
Pero sinisiguro niyang hindi mabibitin ang guests sa kanilan mae- experience na dalaw sa Alu Garden. Na yes, with ample parking and affordable price sa lahat—mula massage, salon, gaming hub, food and coffee (yes, coffee capital ng bansa ang Amadeo), with the villas. Baka ma-extend na ang stay mo!
For more information, just visit their web site. At masasagot all your questions.
We had a good time. Bitin! Intro pa lang naman…
The real Alu Garden experience is set to happen soon.
Para lang ang uling, apoy, bakal, at baga ni Mark. Pinanday na.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com