Sunday , October 17 2021

Sports

James sinabon agad ng netizens (Sa pag-file pa lang ng COC)

James Yap, CoC, San Juan, Francis Zamora

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE, ngayong Oktubre 5 pa lang magpa-file ng Certificate of Candidacy (COC) ang basketbolistang si James Yap bilang konsehal sa San Juan City, kaliwa’t kanan na kaagad ang komento sa kanya. Si James ay nasa ilalim ng partido ni incumb ent Mayor Francis Zamora. Ayon kay @Camua Ferdie, ”Your hometown of Escalante need more your services.” Payo naman ni @Makabagong Pilipino, ”Dapat …

Read More »

Suelo tinalo si Young sa Balinas Jr., Chess Challenge

Bayanihan Chess Club

GINIBA ni Fide Master Robert Suelo, Jr., si International Master Angelo Young, 7-3, para masungkit  ang Grandmaster Rosendo Carreon Balinas, Jr., chess challenge sa tinampukang Bayanihan Chess Club match up series, Chess For A Cause na ginanap sa Goldland Chess Club, Village East sa Cainta, Rizal Huwebes, 30 Setyembre 2021. Kumamada agad si Suelo ng 2-0 kalamangan sa 3 minutes plus …

Read More »

Biado sasargo sa Abu Dhabi Open 9-Ball Championship

Carlo Biado, 9-Ball, Billiards

PANGUNGUNAHAN ni Carlo Biado ang listahan ng Filipino players na sasargo sa Abu Dhabi Open 9-Ball Championship na tutumbok sa 8-11 Nobyembre 2021  sa Power Break Billiard Hall sa Abu Dhabi, United Arab Emirates. Malaki ang tiwala ni Biado, isa sa Pinoy cue artists ang makasusungkit ng kampeonato.   Kamakailan, itinanghal na kampeon sa US Open 9-Ball Championship si Biado. Kasama niyang tutumbok …

Read More »

Pacman goodbye boxing na — I just heard the final bell

Manny Pacquiao Retiring

FACT SHEETni Reggee Bonoan TULUYAN nang isinampay ni Senador Manny Pacquiao ang kanyang boxing gloves bilang hudyat ng pagreretiro sa boksing sa halos tatlong dekada. Base sa record ni Pacman, nakapagtala siya ng 62 panalo, 8 talo, 2 draw, at 39 knockouts. Pormal na ipinaalam ito ni Manny sa kanyang 18M followers sa Facebook ang kanyang pamamaalam na base sa video ay ipinakita ang walang-taong …

Read More »

10th anniversary ng ONE Championship ipagdiriwang sa Disyembre 5

ONE Championship

MAGIGING host ang  Singapore-based martial arts organization na ONE Championship sa pinaka­aabangang 10th anniversary event sa Disyembre 5 na may titulong “ONE X.” Ibinahagi ni company’s Chairman at CEO Chatri Sityodtong ang balita sa naging panayam niya sa betera­nong MMA journalist  Ariel Helwani sa MMA Hour. Kasama sa inanunsiyo ni Sityodtong ang tatlong matitinding martial arts bouts na hahataw. Ang nakakabiglang …

Read More »

OJ Reyes hari sa Mobile Chess Club Ph rapid edition

Mobile Chess Club Philippines

BUO ang loob ni  National Master (NM) Oshrie Jhames “OJ” Constantino Reyes ng  Santa Rita, Pampanga nang habulin at talunin  sa huling sigwada ang kababayang si Christian Tolosa ng Imus City, Cavite, 4-3, sa isang Armageddon penalty shootout para maghari  sa Mobile Chess Club Philippines Match Up Series Rapid Edition online tournament virtually na ginanap nitong Biyernes, Setyembre 17, 2021 …

Read More »

PSC magdadaos ng webinar series para sa Para-Athlete

PSC PPG PhilSpADA PPC NCDA IPAO

NAKATAKDANG ma­ging host ang Philippine Sports Commission at Pilipinas Para Games (PPG)  sa kauna-unahang online webinar series kung paano hawakan ang training ng differently-abled athletes na lalarga sa Setyembre 20. Mahigit sa 800 para athletes, coaches, local government representatives ang makikibahagi sa three-part webinar series na may layong matukoy ang pangangailangan na tunay na komprehensibong grassroots sports development program para …

Read More »

Ologapo Rainbow giba sa Laguna Heroes

Chess PCAP Laguna Heroes Olongapo Rainbow Team 7

NAKAAHON ang Laguna Heroes pagkaraang makatikim ng talo  sa  Manila Indios Bravos nang bumawi sila ng panalo sa  Olongapo Rainbow Team 7, 17-4, sa third conference ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online tournament via chess.com nitong Sabado, Setyembre 18, 2021. Tinibag  ni Grandmaster John Paul Gomez si National Master Levi Mercado para ihatid ang Heroes sa 2-1 win-loss record …

Read More »

Gomezian ‘wagi sa 2021 Philracom 1st Leg Juvenile Stakes Race

Philracom Horse Race

PINASAYA ng kabayong Gomezian, sakay ng premyadong hineteng si  OP Cortez, ang mga tuma­ya  sa kanya sa paglarga ng 2021 Philracom 1st Leg Juvenile Stakes Race  nang una silang tumawid sa meta na may isang kaba­yong agwat sa mahigpit nilang nakalaban na si Radio Bell na ginabayan ni JB Hernandez. Tinanghal na paborito sa tatlong nakatunggali ay unang lumunag sa largahan …

Read More »

Libreng flights handog ng Cebu Pac sa PH Paralympic delegation

PH Paralympic delegation, Tokyo 2020 Paralympics

BILANG pagkilala at pagbibigay karangalan sa delegasyon ng bansa sa Tokyo 2020 Paralympics sa kanilang ipinakitang galing, hinandugan ang mga atleta ng Cebu Pacific ng libreng biyahe na maaari nilang ibahagi sa kanilang mga team at tagasuporta. Dahil naniniwala ang Cebu Pacific na “Every Juan deserves to fly,” bilang regalo ay libre ang flights ng delegasyon ng Filipinas sa Tokyo …

Read More »

Oscar de La Hoya positibo sa Covid-19

Oscar de La Hoya, covid-19

UMATRAS na  si Boxing Hall of Famer Oscar De La Hoya sa kanyang laban sa Setyembre 11 nang magpositibo siya sa Covid-19 test. Si De La Hoya, 47, kinumpirma ang orihinal na report galing sa TMZ nung biyernes nang mag-post siya ng video sa social media mula sa kinaro­roonang ospital bed.  Isinulat ni Golden Boy sa kanyang Twitter na fully …

Read More »

Caleb lamang kay Canelo sa bilis

Caleb Plant, Canelo Alvarez

PANANAW ng  mga eksperto sa boksing na may  kakulangan si Canelo Alvarez padating sa sa bilis  sa pagharap niya kay IBF super middleweight champion Caleb Plant sa Nobyembre 6.  Nahaharap siya  sa isang mobile fighter na may matinding jab. Ang mabagal na paggalaw niya at ang flat-footed fighting style ay punado ng mga eksperto.   Kaya siya nananalo ay dahil puro …

Read More »

Denice “Lycan Queen” Zamboanga niluto sa laban

Denice Zamboanga, Seo Hee Ham

DESMAYADO si Filipina fighter Denice “Lycan Queen” Zamboanga  nang malasap niya ang unang talo bilang professional sa ONE:  EMPOWER sa isang balikatang laban na nagtapos sa split decision loss kay “Arle Chan “ Seo Hee Ham sa quarterfinals ng  ONE  Women’s Atomweight World Grand Prix nung Biyernes sa Singapore Indoor Stadium. “For me, I clearly won the fight,” pahayag ng …

Read More »

PH tumapos ng second place sa Pool A action sa Division 2 ng 2021 FIDE Online Olympiad

2021 FIDE Online Olympiad Chess

MANILA, Philippines —Tumapos ang Philippine Chess Team ng second overall sa team competition ng prestigious Pool A action sa Division 2 ng 2021 FIDE Online Olympiad. Giniba ni reigning National Champion Woman International Master Jan Jodilyn Fronda si Woman Fide Master Tanima Parveen matapos ang 56 moves ng Scotch Opening para pangunahan ang Philippines sa 5.5-0.5 win kontra sa Bangladesh …

Read More »

PCAP Chess League susulong sa 15 Setyembre

PCAP Chess

NAKATAKDANG mag­tapat sina National Master Oshrie Jhames Constantino Reyes at Tiv Omangay sa third conference na Professional Chess Players Association of the Philippines-PCAP online chess tournament  sa Setyembre 15, 2021 virtually na gaganapin sa Chess.com Platform. “It will be a very tough match against Pinoy and Foreign woodpushers,” sabi ng 10 years old Reyes na Incoming grade 5 student ng …

Read More »

Dondon unang Arena International Master mula Bantayan Island

Josito Jojo Clamor Dondon, Arena International Maste

NAIUKIT  na ni United States-based Cebuano chess player Engr. Josito “Jojo” Clamor Dondon ang kanyang pangalan bilang kauna-unahang Arena International Master ng World Chess Federation (FIDE) mula Bantayan Island sa northern Cebu. Si Dondon tubong munisipalidad  ng Madridejos kung saan mga mga natives ay kilala sa tawag na Lawisanons ay opisyal ng nakamit ang AIM title matapos mabuwag ang 1900 …

Read More »

7 Pinoy nakatakdang lumaban bago magwakas ang 2021

Boxing Gloves

LOS ANGELES, CALIFORNIA — Habang wala pang katiyakan  ang kinabukasan para kay fighting senator Manny Pacquiao—kung lalaban pa ito o magreretiro na o tatakbo sa nalalapit na halalan sa susunod na taon—ilang mga mandirigmang Pinoy ang handang sumampa sa ring para makipagsapalaran sa kanilang career sa boxing bago magtapos ang taong 2021. Nar’yan  ang parehong world champion nma sina Jerwin ‘Pretty Boy’ …

Read More »

Dating mansion ni Shaq naibenta sa halagang $9 milyon

Shaquille O'Neal, Kyosuke Himuro

NAIBENTA  ni Japanese singer Kyosuke Himuro ang dating mansion ni Shaquille O’Neal—na may kumpletong golf simulator at Superman-themed basketball court sa halagang $9 million. Si Himuro na dating ‘’frontman’’ para sa 1980s Japanese rock band Boowy, nabili kay Shaq ang mansion noong 2004 sa halagang $6.4 million at ito ngang nakaraang araw ay nakalista iyon na ibinenta sa halagang $9.25 …

Read More »

Canelo llamado kay Caleb

Canelo Alvarez, Caleb Plant

TAHASANG sinabi ng  mga kritiko ng boxing, na sa pagharap ni Canelo Alvarez kay Caleb Plant ay makikita ang isang  ehemplo ng pagiging oportunista ng una. Nakatakdang mag­harap sina Alvarez at IBF champion Plant sa Nobyembre 16  para sa 168-lb championship Ang huling panalo ni Plant ay kontra kay Jose Uzcatequi sa isang 12 round decision. At dahil sa mahihi­nang …

Read More »

Racasa bagong Woman National Master

Antonella Berthe Racasa, Woman National Master, Chess

NAKAMIT ni Antonella Berthe Racasa ng Mandaluyong City ang titulong Woman National Master. Si Racasa na nag aaral sa Homeschool Global ay ipinakita ang kanyang husay sa mas nakaka­tandang mga nakalaban. “These things can happen when you want to win so much and are playing so intensely,” sabi ni Robert Racasa, father at coach ni Antonella Berthe na kilalang Godfather …

Read More »