Wednesday , April 23 2025
Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa

Kim pinagkaguluhan rumampa sa premiere night ng Elevator nina Paulo at Kylie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI magkandaugaga ang fans ng KimPau nang bumulaga si Kim Chiu sa red carpet premiere night ng pelikula nina Paulo Avelino at Kylie Verzosa, ang Elevator na ginanap sa Cinema 4 & 7 ng SM North Edsa.

Sinuportahan nga ni Kim si Paulo sa Elevator movie nito kaya naman ‘di magkamayaw ang fans nila sa si Paulo sa pelikula nitong Elevator. Dumating si Kim suot ang napaka-seksing venus cut dress kaya naman hindi magkamayaw ang kanilang fans. Kami ngang press ay nahirapang lapitan si Kim dahil dinumog na ito ng fans.

Bagamat nauna si Kim sa SM Cinema agad namang nilapitan ito at hinalikan ni Paulo nang magkita sa loob ng sinehan kaya lalong nagkagulo ang fans.

Ani Kim, dumalo siya sa premiere night ng Elevator bilang support sa kanyang leading man sa Linlangat What’s Wrong With Secretary Kim gayundin sa leading lady nitong si Kylie

Everyone is here from ‘What’s Wrong with secretary Kim?!’ direk, and even the staff, let’s go Paulo!

“Sana support natin Philippine cinema dahil bumabalik na after the pandemic. It is a good way to destress,” anang dalaga.

Natanong si Kim kung ano ang expectation niya sa pelikula ni Paulo na

sinagot niya ng, “‘Pag si Paulo binibigyan ng role, ginagawa niya ng sobra.”

Na-enjoy namin ang feel-good movie nina Pau at Kylie. Sabay-sabay lang kaming nagtinginang magkakatabi sa eksenang halikan ng dalawa. At nasabi rin naman, ‘naku! Paktay! Magselos kaya si Kim?!’ Kasi naman ang ganda ng shot ni direk Philip King sa eksenang iyon. Na parang gustong ipakita na inlan ang kanyang mga bida sa pelikula.

Ang Elevator ay isang inspiring movie na ukol sa kung paano magsumikap at magtrabaho ng marangal ang ating mga OFW.

Kinunan ang kabuuan ng pelikula sa Singapore na gumaganap na elevator boy si Paulo habang si Kylie naman ang dyowa ng mayamang negosyante na mai-involve sa kanya na siyang pagsisimulan ng twists and turns ng istorya.

It’s something that would inspire you not just for your career but also sa outlook mo in life,” ani Paulo sa panayam sa kanya ng press.

Showing na ang Elevator sa mga sinehan nationwide na prodyus ng Viva Films, Rein Entertainment, Cineko Productions, at Studio Viva.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

9th Inding Indie Coco Martin

9th Inding-Indie Film Festival matagumpay, dinagsa sa Gateway Mall

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio DINAGSA ng mga tagasuporta, manonood, at personalidad mula sa industriya …

Sam Verzosa

3-k ni SV sagot sa kahirapan ng Maynila 

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBO bilang mayor ng Maynila, tinanong si Sam Verzosa o SV, kung ano …

Ian de Leon Nora Aunor

Ian ibinahagi huling mensahe ng ina

MA at PAni Rommel Placente AYON kay Ian de Leon sa panayam sa kanya ng 24 Oras, acute respiratory …

Sheryl Cruz

Sheryl sunod-sunod pagkilalang natatanggap

MA at PAni Rommel Placente SUNOD-SUNOD ang acting awards na natanggap ni Sheryl Cruz mula sa iba’t …

Vilma Santos Nora Aunor 2

Vilmanian kami subalit may respeto kapag nagkikita ni Nora

I-FLEXni Jun Nardo HAPPY Ester to all Hataw readers! Back to reality kahit na nga may lungkot …