Monday , July 14 2025
UP Law Jessup Moot Court
KAMPEON ang UP Law Jessup Team sa kabuuang 642 naglabang teams mula sa 100 bansa sa ginanap na Jessup Moot Court Competition nitong 6 Abril 2024 sa Washington DC. (Retrato mula sa Jessup White & Case LLP Facebook page)

Kampeon sa 2024 Jessup Moot Court Competition
PARANGAL SA UP COLLEGE OF LAW IGAGAWAD NG SENADO 

MATAPOS manaig sa kabuuang 642 competing teams mula sa 100 bansa sa 2024 Philip C. Jessup International Moot Court Competition, isang parangal ang nakatakdang ipagkaloob ng Senado sa University of the Philippines College of Law Jessup Team, sa pamamagitan ng isang resolusyong inihain ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara.

Sa record, ito ang ikatlong pagkakataon na nagwagi ang Filipinas sa prestihiyosong moot court competition. Unang nagwagi ang bansa noong 1995 na pinangunahan ng UP College of Law, at noong 2004 na pinangunahan ng Ateneo de Manila University.

Sa kanyang resolusyon, pinuri ni Angara ang UP Law Jessup Team at sinabing “patunay ito na dekalidad ang legal education sa Filipinas at talagang magagaling ang ating mga mag-aaral sa abogasya.”

Pagmamalaki ng senador, “hindi madali ang magwagi sa Jessup Moot Court Competition lalo pa’t 642 teams ang naglaban-labang law schools na nagmula pa sa iba’t ibang sulok ng daigdig. Bilang produkto ng UP College of Law, tayo po ay nakikipagdiwang sa tagumpay na ito ng ating unibersidad.”

Nabatid na sa lahat ng koponang galing sa Filipinas, tanging ang UP Law Jessup team lamang ang nakapasok hanggang sa quarterfinal stage ng kompetisyon. Sa final round, pinataob ng Philippine team ang Universidad Torcuato Di Tella ng Argentina dahilan upang ganap na tanghaling kampeon sa 2024 Jessup Moot Court Competition ang UP Law team.

Ang Philippine team ay binubuo ng UP Law students na sina Mary Regine Dadole, Pauline De Leon, Pauline Samantha Sagayo, Chinzen Viernes, at si Ignacio Lorenzo Villareal na itinanghal bilang Best Oralist sa championship round.

Ang Jessup Moot Court Competition na pinangangasiwaan ng International Law Students Association ay isinagawa sa Washington DC, na binibigyan ang mga kalahok ng isang fiction dispute na pagdedebatehan ng dalawang bansa sa harap ng International Court of Justice.

Tumayong coach ng Philippine team si UP Law professor Marianne Vitug na ginawarang Best Oralist noong 2018 sa 22nd Stetson International Environment Law Moot Court, and top 10 oralist naman sa Jessup 2019. Faculty advisor ng koponan ngayong 2024 si Professor Rommel Casis.

“Malinaw na pinatutunayan ng kaganapang ito na dekalidad ang legal education natin sa bansa dahil palagi tayong kabilang sa pinakamagagaling sa kompetisyong ito. Ipagpatuloy lamang natin ang pagsusulong sa ating academic excellence, hindi lamang sa larangan ng abogasya, kundi maging sa iba pang mga  kurso,” ani Angara.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Dave Gomez Sharon Garin

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

dead gun

Tagayan nirapido ng tandem, napadaan na katagay patay

ISANG 25-anyos na lalaki ang namatay habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng …

Marikina

Marikina LGU suportado shoe industry ng bansa

MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng …

PAGASA Bagyo LPA

Sa loob at labas ng PAR  
3 LPS INAANTABAYANAN

MASUSING binabantayan ng ­Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tatlong low pressure …

Arrest Posas Handcuff

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, …