Wednesday , May 29 2024
Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPAT
ni Mat Vicencio

SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan at pati si Makati Mayor Abby Binay ay pumasok na rin sa ‘Magic 12’ ng senatorial race na nakatakda sa May 2025 midterm elections.

Kung inaakala ng mga may pakana ng survey na mapalulundag nila ang taongbayan sa naging resulta nito ay nagkakamali sila dahil lumalabas na hindi kapani-paniwala at hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng Pulse Asia.

Mantakin ba namang pumasok sa 12th place si Abby sa senatorial survey at naungusan pa si dating Senator Ping Lacson na kilala bilang magaling na mambabatas kabilang na ang hindi malilimutang mga exposé o pasabog sa Senado.

At ang nakatatawa pa rito, pati sina Senator Francis “Tol” Tolentino at Senator Lito Lapid ay sopla rin sa ‘Magic 12’ at  nalagpasan din ni Abby sa kabila ng pagiging incumbent senator ng dalawang mambabatas.

Hindi rin totoo na higit na popular si Abby kung ikukumpara kina Willie Revillame na sikat na showbiz personality at Dr. Willie Ong na pinagkakaguluhan sa social media dahil sa kanyang ginagawang mga payong pangkalusugan.

Sa nasabing senatorial survey ng Pulse Asia, si Willie ay nasa 14th place lang at si Ong naman ay nasa pang 16 na puwesto. Kahit saan tingnang anggulo, imposibleng maunahan ni Abby ang dalawang sikat na personalidad na kilalang-kilala sa buong Filipinas.

At sino rin ang maniniwala na mauunahan pa ni Abby sa senatorial survey ang mga batikang politiko tulad nina Francis Pangilinan, Ralph Recto, Gringo Honasan, Bam Aquino, Frank Drilon, at Richard Gordon?

Kaya nga, marami talaga ang nagtataka kung bakit pumasok sa ‘Magic 12’ si Abby sa isinagawang senatorial survey at marami tuloy ang nagtatanong na baka naman sa paligid lang ng mga barangay ng Makati isinagawa ang survey o sa palibot ng bahay ng mayor.

Nawalan ng kredebilidad ang Pulse Asia at halatang-halatang ipinilit na isama si Abby sa ‘Magic 12’  ng senatorial survey kahit sabihin pang hindi naman pang senador ang kalibre ng mayor kompara sa mga political personalities na kasalukuyang lumulutang na mga pangalang tatakbo sa Senado.

Nakapanghihinyang dahil bukod sa Social Weather Station (SWS), ang Pulse Asia ang isa sa mga survey firms na iginagalang at pinaniniwalaan, at ngayon ay sinira dahil lamang kay Abby na pilit na isinama sa ‘Magic 12’.

Abby, sibakin mo na ang mga handler mo!

About Mat Vicencio

Check Also

052824 Hataw Frontpage

Para sa firetrucks at emergency medical equipment,
P2.88-B PONDO NG DILG-BFP IPINALABAS NI PANGANDAMAN

INIUTOS ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang agarang pagpapalabas ng kabuuang P2.880 bilyon sa …

052824 Hataw Frontpage

Ipinagkanulo ng nalaglag na belt bag  
‘GUNMAN’ SA LTO EXEC AMBUSH ARESTADO

ni ALMAR DANGUILAN ITINUTURING ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang pagpaslang …

Tacloban Leyte

Anti-government rally ng Maisug pumalpak

KINANSELA ng Maisug anti-government rallyists ang kanilang protesta sa Tacloban City sa Leyte province makaraang …

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

MATAGUMPAY na idinaos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pasinayang pagtatanghal ng ‘Pustura,’ …

salary increase pay hike

Matapos mapatalsik si Zubiri sa puwesto
LABOR GROUP NANGAMBA PARA SA ISINUSULONG NA LEGISLATIVE WAGE HIKE

NANGANGAMBA ang labor group na mabaon sa limot ang isinusulong na legislative wage hike matapos …