Saturday , July 27 2024
Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng mga nagnanais tumakbo sa iba’t ibang posisyon, nariyan ang patuloy na pagbibigay ng mga ayuda. Lalo na ngayong panahon ng summer, nauuso ang mga pakontes, sagala, piyestahan, paliga sa isports na ang mga papremyo ay ini-solicit sa mga natunugang kakandidato ng mga organizers.

Ang mga barangay captain, buhay na buhay sa pagtanggap ng tulong na kanilang hinihingi sa local executives. Wala nang katinuan talaga ang ating bansa sa larangan ng politika. Lahat ay nabibili, lahat nababayaran. Lahat ng kandidatong nangako dapat tuparin. Lalo’t atat na atat manalo sa ikalawang terminong kandidato dahil nakahihiyang matalo at naranasan na ang makapuwesto kaya lahat ay gagawin para muling makapuwesto.

Ang mga kaanak na nabigyan ng trabaho nang dahil sa mataas na posisyon ng kamag-anak ay nakaipon na ng puhunan para suporta sa kaanak na nakapuwesto para muling  magkamal ng salapi sakaling muling mahalal ang kaanak sa mataas na posisyon. Kapag kaanak ka ng isang halal na alkalde hindi ka na job order kundi casual at biglang magiging regular employee habang ang ibang empleyado na matagal na ay nananatiling casual employee.

Iyan ang kaibahan kapag sanggang-dikit mo ang punong-bayan, mabilis ang asenso.

Sa mga matatapos na ang termino sa lokal na pamahalaan, sigurado ang papalit sa posisyon, kung hindi asawa ay anak.

Kung alam naman natin na maganda ang ginawa sa kanyang panunungkulan at tunay na nagseserbisyo, bakit hindi pagbigyan?

Pero kung corrupt at puro nakaw lang ‘wag nang bigyan ng tsansa, anak man ‘yan o asawa!

Tayong mga botante ang kaawa-awa dahil ang boto natin ay hindi na mababawi, bibilang muli ng tatlong taon bago natin mapalitan. Nagkamali ka man, dapat pag-isipan kung karapat-dapat ba ang ating iboboto.

Malayo pa ang susunod na eleksiyon, gaya ng sinabi ko ngayon pa lang ay marami nang umiikot, nagpapakilala. Pero ingat tayo dahil baka mabiktima ng manlilinlang na kandidato.

Meron akong kakilala noong nangangampanya sobrang galante mamigay ng tulong, malaki mag-abuloy sa mga patay, pero nang manalo at iboto ng mga nabigyan ng tulong, ngayon ay maramot na at marami pang daldal.

Kapag binusog mo ang isang botante sa panahon ng kampanyahan, aasahan niyan na galante ka pa rin. ‘Pag nabigo ‘yan sila rin ang maglalaglag sa iyo.

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …