Tuesday , June 23 2026
Multinational Village HOA DHSUD

DHSUD sinugod
Multinational Village residents nagsumbong kay Sec. Aliling Overstaying HOA officers patalsikin

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga residente sa Multinational Village upang hilingin na makapagsagawa na ng halalan sa kanilang homeowners association lalo na’t ‘overstaying’ na ang nakaupong mga opisyal at ang ilan ay disqualified na rin.

Ayon kay Alex Tan, dating miyembro ng Board of Directors ng asosasyon, hindi na makatarungan ang palagiang pagkaudlot ng nakatakdang halalan dahilan sa apela ng kasalukuyang overstaying na nakaupo sa puwesto.

Iginiit ni Tan at ng mga residente na panahon na upang gawin ng DHSUD ang kanilang trabaho na magsagawa ng halalan upang sa ganoon ay mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makapili ng bagong liderato.

Magugunitang noong Pebrero ang unang nakatakadang halalan at nitong Mayo ang Pangalawa ngunit naudlot nang dahil sa isang apelang walang sapat na batayan.

Tinukoy ni Tan, ang kasalukuyang mga nakaupong opisyal ng assosasyon ay patuloy ang ginagawang pangha-harass sa mga residente lalo ang mga hindi sumusunod sa kanilang mga maling gawain katulad ng pagputol ng tubig at pagkuha ng metro nito.

Bukod dito, baon din sa utang sa Manila Water na umabot na sa P23 milyon ang buong Village gayong nagbabayad naman nang tama ang mga residente at ang iba ay deretso nang nagbabayad sa Manila Water dahil sa kawalan ng tiwala sa ‘overstaying’ na adminitrasyon.

Naniniwala si Tan, kung hindi aaksiyonan ng DHSUD sa lalong madaling panahon ay malaki ang posibilidad na magkaroon ng karahasan sa loob ng village.

Matapos ang panawagan ng mga residente, agad nagsagawa ng closed door conference ang kinatawan ng DHSUD na si Engr. Surita Pedrozo, Regional Directror ng NCR upang pakinggan ang hinaing ng mga residente.

Batay sa nakalap na impormasyon, agad na aaksiyon si Pedrozo sa mga hinaing ng mga residente.  

Inaasahan ng grupo na magtatakda ng petsa ng halalan ang DHSUD sa lalong madaling panahon. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …