Tuesday , June 23 2026
san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para sa pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival, kasabay ng kapistahan ng San Juan Bautista na mahigpit na babantayan ang mga kalye at kalsada at tanging sa itinalagang “Basaan Area” lamang magaganap ang basaan para walang madamay na motorista, commuters, at ang mga ayaw mawisikan o mabuhusan ng tubig.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nais nilang muling ipatupad ang organisado at kontroladong  “Basaan Area” na matagumpay na naganap noong 2025 dahil zero violations ang naitala ng San Juan Police.

Para sa mga San Juaneños na nais makisaya sa basaan, magpunta sa Basaan Zone na daraan sa Guevarra St.,  Pinaglabanan St., at hanggang N. Domingo St. lamang at magaganap ang basaan mula 7:00 ng umaga  hanggang 2:00 ng hapon sa 24 Hunyo, araw ng Miyerkoles.

Paalala ni Mayor Zamora, may nakaabang na multang P5,000 at makukulong ng 10 araw ang mga pasaway na San Juaneño na irereklamong lumabag sa Wattah Wattah Festival 2026 base sa Ordinance No. 14.

Nagtalaga na rin ng mga pulis at tanod na magbabantay at huhuli sa mga pasaway at hindi sumusunod sa batas.

Magaganap ang Street Dance Competition, Santong Tao Float Competition,  Best Booth Competition,  at Street Party sa 23 Hunyo, Martes.

Inaasahan na magiging masaya at matagumpay ang Wattah, Wattah Festival 2026 dahil para sa mga residente ng San Juan ang kasiyahan. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …