Monday , June 22 2026
David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon

SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling pagsasama nina David Licaucoat Barbie Forteza sa telebisyon, may isa pang aktres na nais makatrabaho ang aktor.

Bagama’t hindi niya isinasara ang pinto para sa isang BarDa reunion, inamin ng Kapuso actor na isa sa mga matagal na niyang hinahangaan sa industriya ay si Kathryn Bernardo.

Ayon kay David, matagal na niyang sinusubaybayan ang karera ni Kathryn bago pa man siya pumasok sa showbiz. 

Matagal ko na siya napapanood, kahit noong hindi pa ako artista at iniidolo ko siya. I’d like to work with her sana,” anang aktor.

Agad naman niyang nilinaw na ang paghanga niya kay Kathryn ay nakabatay sa kanyang propesyonalismo at husay bilang artista.

Nang matanong kung may kinalaman ba sa personal na atraksiyon ang kanyang kagustuhang makatrabaho si Kathryn, mabilis niya itong pinabulaanan. 

Walang ganoon. Idol ko lang talaga si Kathryn gaya ng idol ko rin si Daniel Padilla. Kung sakali nga, gusto ko sila maka-work pareho,” paliwanag niya.

Ipinakita lamang nito ang respeto sa dalawa na maituturing na malalaking pangalan sa industriya ng kanilang henerasyon.

Samantala, nilinaw din ni David ang mga espekulasyon tungkol sa umano’y hindi na magandang samahan nila ni Barbie dahil sa kawalan nila ng mga bagong proyektong magkasama. Aniya, nananatiling matatag ang kanilang pagkakaibigan sa totoong buhay. 

Yeah, I’m very much open to working with her again. We’re good, we’re friends. Hindi man kami nag-uusap madalas lately, pero wala kaming problema sa isa’t isa,” paliwanag ni David. 

Dahil dito, umaasa pa rin ang maraming tagahanga na muling mapapanood ang kanilang tambalan sa mga susunod na proyekto.

Habang hinihintay ng publiko ang kanyang susunod na teleserye, patuloy namang pinaghahati ni David ang kanyang oras sa pag-arte at sa kanyang lumalawak na mga negosyo. Bilang isang entrepreneur na may iba’t ibang investment, kabilang ang isang resort sa Siargao, aminado siyang hindi madali ang pagpapatakbo ng negosyo sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya.

Gayunman, nananatili siyang positibo at patuloy na naghahanap ng mga bagong oportunidad sa negosyo.

Nagbigay din siya ng payo sa mga nagnanais magsimula ng sariling negosyo. Para kay David, mas praktikal sa ngayon ang pagpasok sa service sector kaysa food and beverage o hospitality industry. 

Medyo mahirap lang ngayon kasi dahil sa economy, pero yeah, I continue thinking about good business ideas. Mas madali sa service sector kaysa food and beverage or sa hospitality and tourism—medyo challenging itong mga ito. 

“So, para sa mga nagsisimula sa business, I think service, like sa wellness, is good. Mas easier to manage,” aniya.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ni David na interesado siyang mag-invest sa BlueWater Day Spa, isang wellness at relaxation brand na kanyang ineendoso. Para sa kanya, hindi dapat ituring na luho ang pag-aalaga sa sarili kundi isang mahalagang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan. 

I think people should change their mindset about going to spa. Kasi some of us think pampering is indulgent. Hindi. It’s as important as, say, hygiene—‘yung maligo at magsipilyo. Important siya because we only have one life, one body, and we have to take care of it,” pagtatapos ni David, na naniniwalang ang wellness ay isang mahalagang investment para sa mas malusog at mas maayos na pamumuhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Nustar Online IRUNPH South Run All Out, All Proud

Nustar Online sinuportahan mga lokal na magsasaka at IRUNPH South Run: All Out, All Proud

ISANG matagumpay  at makabuluhang milestone para sa Nustar Online ang pagsali sa IRUNPH South Run: All Out, All Proud bilang …

Film Academy of the Philippines Pinoy Oscars Pursuit

Film Academy of the Philippines binuksan Oscars Grants Program para sa mga Filipino Filmmaker

BINUKSAN ngayon ng Film Academy of the Philippines ang mga pagsusumite para sa grants program, ang Pinoy Oscars …

Atasha Muhlach Annie Batungbacal Bongga Ka Day The Musical

Atasha pinaghandaan audition sa Bongga Ka, Day The Musical 

I-FLEXni Jun Nardo DUMAAN sa matinding auditions at call backs si Atasha Muhlach bago napili bilang  Annie Batungbacal sa Viva …

Vince Rillon The Cheating Wife

Vince Rillon ‘di maiwan ang VMX 

I-FLEXni Jun Nardo NAGLILIWALIW muna ang VMX artist na si Vince Rillon at ang VMX movie na The Cheating Wife ang …

Jhen Boles

Jhen Boles College Instructor II na

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang successful businesswoman/Philanthropist na si Jennifer Boles o mas kilala sa showbiz bilang Jhen …