Thursday , June 18 2026
Sipat Mat Vicencio

Gulo sa Senado, tinapos ni Sen. Joel Villanueva

SIPAT
ni Mat Vicencio

NITONG nakaraang dalawang linggo, naging sentro ng kontrobersiya ang Senado dahil sa agawan sa liderato sa pagitan ng bloke ng napatalsik na Senate President Alan Peter Cayetano at ng grupo ng bagong halal na Senate President na si Sherwin Gatchalian.

Pero dahil kina Senators Chiz Escudero at Joel Villanueva, nagbago ang liderato ng Senado.

Matinding eskandalo ang kinaharap ng Senado. Nauna ang walkout na sinundan naman ng boycott.

Kung tutuusin, naging abala ang mga senador sa kanilang bakbakan habang naghihintay ng tulong ang daan-daang libong Filipino na naapektohan ng lindol sa Mindanao.

Sa gitna ng lahat nang ito, isang simpleng pahayag mula kay Joel ang nagsilbing paalala sa Senado kung ano ang tunay nitong tungkulin at gawain bilang mga mambabatas.

Hindi na kinailangan pang umepal at magpa-press conference sa ginawang pagdalo sa special session na ipinatawag ni Presidente Bongbong Marcos.

Walang kondi-kondisyon, walang pagbabanta. Tanging sinabi lang ni Joel ay papasok siya sa Senado at dadalo ng sesyon bilang pagganap ng kanyang trabaho o tungkulin.

“We can’t keep fighting all the time,” mariing pahayag ni Joel.

“As public servants, our priority is to ensure that the Senate continues to work for you.”

Sa isang panahong ginamit ang quorum bilang sandatang pampolitika at naging sentro ng usapin ang bilang ng mga senador na papasok o hindi dadalo sa sesyon, ang simpleng pagpapakitang handa kang magtrabaho at tugunan ang tungkulin ang naging basehan ni Joel.

Maingat din ang pahayag ng senador hinggil sa kanyang hakbang na ginawa na siyang payo ng kanyang ama na si Bro. Eddie Villanueva – ‘sundin ang konsensiya, hindi ang mga kaibigan o kakampi sa pulitika.’

Mahalaga rin pansinin kung ano ang gustong pagtuunan ni Joel, at hindi ito usapin ng posisyon kundi pagtalima sa tungkulin bilang mambabatas.

Nakalulungkot isipin na kinailangan pang umabot sa ganitong antas ng pagkakahati-hati bago muling mapaalalahanan ang mga mambabatas kung bakit sila inihalal.

Habang ang mga senador ay nakatuon sa politika sa loob ng bulwagan, ang mga ordinaryong Filipino ay nakatuon sa mas mahahalagang bagay—kabuhayan, presyo ng bilihin, kalamidad, at seguridad.

Ang mas mahalagang tanong ay kung handa bang unahin ng mga senador ang kanilang trabaho kaysa kanilang mga interes sa politika.

Kaya nga hindi malilimutan ni Joel ang sinabi ng kanyang tatay na si Bro. Villanueva… “Follow your conscience, not your friends!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Si Chiz karapat-dapat tumayong presiding officer sa impeachment trial

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng usapin at emosyon na nakapalibot sa impeachment trial …

Firing Line Robert Roque

Mga Araw ng Ulan at Araw ng Baha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAGSIMULA na ang School Year 2026–2027 kasabay ng tag-ulan. …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Chiz dumating sa plenaryo
ANO ANG NASA LIKOD NG KANYANG DESISYON

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng mga nagkakasalungatang kampo sa Senado, madaling mawala sa …

Sipat Mat Vicencio

Peke ang Blue Ribbon Committee hearing ni Matet

SIPATni Mat Vicencio “HINDI na po ako papayag na mag-hearing-hiringan kayo riyan, and I will …

Editorial

Senado ipungsoy senators pausukan

MARAMI ang nagsasabing dapat ipa-feng-shui ang gusali ng Senado at ‘yung mga senador naman pausukan …