NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency sa buong Southeast Asia, ayon sa Open Budget Survey (OBS).
Ang OBS ay isang survey na isinasagawa na may kaugnayan sa transparency, accountability, at public participation ng 86 bansa sa buong mundo.
Ang naturang survey ay isinagawa noong 2025 habang ang nakaupo pang Department of Budget and Management Secretary ay si Secretary Amenah Pangandaman.
Sa pagbibitiw sa puwesto ni Pangandaman, hindi lamang kanya ang tagumpay at karangalan kundi para rin ito sa bansang Filipinas at bawat mamamayang Filipino.
Ang Filipinas ay “ranked 1st in Southeast Asia and 10th place globally for budget transparency” na ang fiscal transparency score ay 76 mula sa 100.
Ito ang ikalawang pagkakataon na ang Filipinas ay nanguna sa budget transparency. Noong 2023 ang unang pagkakataon ng pagkakatala sa ilalim pa rin ng liderato ni Pangandaman.
Ang OBS ay ang world’s only independent, comparative assessment of central government budget accountability na pinangangasiwaan ng International Budget Partnership (IBP).
Awtomatikong nagsasawaga ng evaluation ng national budget processes upang masukat at mapahusay pa ang mas maayos na pamamahala sa buong mundo. (NIÑO ACLAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com