051126 Hataw Frontpage

18 Mayo huling araw ng registration
BSKE POLLS SA 2 NOV KASADO NA – COMELEC

051126 Hataw Frontpage

HATAW News Team

IKINOKONSIDERANG handa nana ang Commission on Elections (Comelec) sa pagdaraos ng 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, nakapag-imprenta na sila ng mga balota at kaunting gamit na lamang ang kanilang hinihintay.

“Kami sa Comelec, 90% to 95% na kaming handa para sa BSKE,” ani Garcia. “Naimprenta na ang mga balota at kaunting gamit na lang ang hinihintay na ma-procure.”

Kasalukuyan pang umaarangkada ang nationwide voter registration para sa 2026 BSKE na sinimulan noong 20 Oktubre 2025.

Ang pagpaparehistro ay hanggang susunod na Lunes, 18 Mayo 2026.

Sa darating na 2 Nobyembre 2026 nakatakdang ganapin ang BSKE.