ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
TALAMAK na talaga ang pagkalat ng fake news ngayon at kahit sino ay maaaring mabiktima nito. Isa na rito ang Viva artist na si Christine Li, na sinasabing may photos at video raw na kumalat na new GF ng politikong si Chavit Singson.
Pumalag si Christine sa balitang ito, kaya inusisa namin siya kung paano nasabit ang pangalan niya kay Chavit?
Esplika ni Christine, “Honestly po, I have no idea, nalaman ko na lang po sa mga followers ko na may nag-post sa akin sa isang article na ako raw jowa ni Chavit.
“At first po, may nag-message sa akin, somebody message me, he’s a follower. Tapos he sent me the screen shot, so, hindi ko po kilala iyong nag-sent sa akin niyon. Akala ko ay biro-biro lang, parang nagti-trip sila sa akin, hindi ko sineryoso noong umpisa. Then, the next day ko napansin na dumadami na iyong mga nagse-share. Tapos naging headline pa sa article is: ‘Chavit Singson, proud nang ipinakilala ang girlfriend nito.’
“So, nagulat po ako, tapos ay na-share na po siya sa different platforms like Reddit, Facebook, Twitter, even Tiktok, nag-viral na…. Then ang dami nang nagme-message, even my family and friends, nagwo-worry na sila, ‘Are you aware that somebody is using your photo, they put your photo on a misleading article,’ and I didn’t know.”
Pagpapatuloy pa niya, “So iyong photo ko na ginamit na iyon, that came from my official Instagram account, ninakaw nila iyong photo ko sa Instagram ko mismo and they used it sa headline na iyon.
“Then the fake news started spreading, hanggang sa na-share na sa iba’t platforms. Tapos ang dami ng nagme-message po na followers ko, iyong mga kaibigan ko, iyong mga pamilya ko.”
Hindi raw niya inaasahan na ganito ang epekto sa pagiging biktima niya ng wow mali o fake news.
“Actually po, at first talagang nagtatawanan lang po kami. Siyempre, alam naman po kasi namin talaga iyong truth, we know that hindi po kasi ako talaga iyon. So noong umpisa, tawanan lang kami ng mga friends ko, pinagti-trip-an lang nila ako. But then it started spreading out, like everyone was worried na.
“So ako sabi ko, ‘I have to do something about this. ‘Then I posted my own statement sa Instagram account ko. Then iyon na po, roon na nag-start din na napag-usapan, na tumutok na lalo sa balita. Kasi, naglabas po ako, nag-release po ako ng sarili kong statement.”
Dagdag pa niya, “Iyong mga co-models ko po at saka iyong agents ko po, they started messaging me, ‘Christine what is this?’ Siyempre po I work with different modelling agencies, siyempre bawal po akong masabit sa mga ganyang issue and kailangan ko pong i-clear sa kanila na hindi nga po ako iyon.
“So, at first wala lang po sa akin talaga, tawanan lang kami, and then it started to get serious kasi naapektohan na po ang name ko at saka ang image ko. And the brands that I work with, nag-reach out na rin po sila, nagtatanong po sila na, ‘Totoo ba ito, anong issue ito.’ So iyon po, nag-post na ako ng statement ko para i-clear po iyong issue na ito.”
Ayon pa kay Christine, dahil sa fake news na ito ay na-bash siya at may mga hindi naniwala sa kanyang statement. Ito ay nagdulot sa kanya ng stress, kahit na may paglilinaw na sa iba’t ibang online at news network na hindi siya ang babaeng tinutukoy na new GF ni Chavit.
“So, they posted the article that I am not the girl, they’ve got the wrong girl. Then the bashing started, ang daming nang-bash sa akin, ang papangit ng comments. So ako iyong na-blame, ako ang nasira sa mata ng mga tao dahil lang sa fake news na ito.
“Ewan ko kung safe bang sabihin ito, siyempre iyong ibang tao po kasi, papaniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan. So, kahit nag-release ako ng statement ko na hindi ako iyon, iyong iba nagsasabi pa na ako raw iyon, na idene-deny ko lang, ayaw ko lang daw umamin.
“Kaya nakaka-stress din, I’m really stressed ngayon, kasi nga, all the bullying, the bashing, so iyon po.”
Ano ang message niya sa mga nagpakalat ng maling balitang ito?
Tugon niya, “Ang message ko lang po sa mga nagpakalat ng fake news, tigilan na po natin ang pagpakalat ng fake news. Kasi, nakasisira po talaga ng reputasyon, nakasisira po ng mental health, at baka makasira rin po ng career ng isang tao.
“Siyempre iyong tiwala rin po ng followers ko, iyong tiwala ng mga sumusuporta sa akin, baka ang iba sa kanila ay maniwala. Tapos iyong mga tao sa labas, alam n’yo po iyon? Baka isipin nila na ako talaga iyon… Tapos, they were attacking me, ‘You’re denying it, nahuli ka na, idine-deny mo pa.’ So ako naman po, parang nakaka-stress lang na biktima na nga ako, iba-bash pa nila ako.
“So, sana ay magkabunga na lang po itong ‘exposure’ na ibinigay nila sa akin. I’m just trying to take it positively and I’m not trying to dwell on it too much. Kasi out of my control na po talaga, e. Internet iyan e, na once na-upload iyan, kalat na talaga siya, nandiyan na iyan forever.
“So, sa mga nagpapakalat po ng fake news, sana ay tigilan na po natin. Kasi, ang dami na pong depressed, mahirap na po iyong buhay, tapos ay nagkakasakitan pa nang ganito, nagkakasiraan pa. Iyon lang po, sana ay tigilan na ang pagkakalat ng fake news, kasi ay hindi po iyan nakabubuti sa ating lahat,” pahayag pa ni Christine.
Si Christine ay isang model at aktres. Naging bahagi siya ng pelikulang “The Kingdom” na tinampukan nina Vic Sotto at Piolo Pascual, at ng “Himala ni Niño” ng TV5. Lumabas din siya sa music video nina Shanti Dope at Flow G titled “Kamusta”.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com