Wednesday , June 3 2026
Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong may special wish kay Sen. Bam 

NAGPAABOT si Dingdong Dantes ng mainit na pagbati sa kaarawan ni Senador Bam Aquino, hiniling ang mabuting kalusugan para mas marami pang magawa para sa kanyang pamilya at sa bansa.

Hi, Sen Bam! Happy, happy birthday to you. Ang wish namin sa iyo siyempre ay good health. Sana mas tumibay pa o manatiling matatag at malusog ang iyong kalusugan,” sabi ni Dingdong sa isang video message.

Dahil siyempre alam namin marami ka pa talagang gustong gawin para sa sarili mo, kundi pati sa iyong pamilya at higit sa lahat sa iyong mga kababayan,” dagdag pa niya.

Iyan ang wish namin sa iyo. For now, enjoy the special day of yours, bro! Maligayang, maligayang kaarawan sa iyo. Cheers!” dugtong pa ng Kapuso Primetime King.

Magkaibigan sina Sen. Bam at Dingdong mula pa noong kanilang elementarya, nang kilala pa si Sen. Bam bilang “Bam-bam.”

Sa paglipas ng mga taon, nagkasama sila sa iba’t ibang youth-centered advocacies at co-hosted na mga programa, kabilang ang kanilang pinakabagong kolaborasyon, ang online show na DongBam AsenShow.

Sumali rin si Sen. Bam sa espesyal na birthday episode ni Dingdong sa Family Feud na siya at ang kanyang mga kasama — aktres na si Iza Calzado, dating National Youth Commission (NYC) chairperson Gio Tingson, at stand-up comedian Alex Calleja — ay nanalo ng P200,000 jackpot prize.

Suportado rin ni Dingdong si Sen. Bam sa kanyang mga kampanya sa Senado noong 2013, 2019, at 2025.

Nagtulungan din ang dalawa noong panahong nagsilbi si Dingdong bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission (NYC) mula 2014 hanggang 2016, kung kailan si Aquino ay nasa kanyang unang termino bilang senador. (Maricris Valdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …