Thursday , June 11 2026
Dragon Lady Amor Virata

Diskuwento ng Senior Citizens sa Cavite City bakit bakit 5% lang?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

HETO po ang nakababahalang tanong at reklamo ng mga senior citizen sa Cavite City.

                    Bakit imbes 20% ay 5% lamang ang nakukuha nilang diskuwento sa nasabing siyudad?

Ang reklamo ay aaksiyonan umano ng Cavite City mayor.

                    Kasama po ang inyong lingkod sa mga nagrereklamo dahil karanasan namin ito kasama ang aming senior batchmates. 

Maraming beses namin naranasan sa pagbabayad na limang porsiyento lamang ang ginagawang diskuwento sa mga senior citizens.

Nang tanungin namin ang mga nagmamay-ari ng establisimiyento, katuwiran nila, ‘provincial rate’ raw sila at walang kikitain.

Ha? Ganoon ba ‘yun? Alam natin kapag manggagawa may provincial rate na suweldo. Tama ba na hindi sumunod sa itinakda ng national government na 20 percent ang dapat ipagkaloob bilang senior citizen discount?

Aba, aba mayor, ipasara ang ganyang mga pasaway!

Katuwiran nila, nagbabayad sila ng business tax kaya legal sila. Ano bang rason ‘yun, nagbabayad ka ng tax pero nilalabag mo ang karapatan ng senior citizens alinsunod sa Legislative Senior Citizen Benefits (RA 9994 & Related Acts).

Tama ba ‘yun?

Puwes, abangan natin ang aksiyon sa laban sa paglabag na ito. Nanawagan po Mayor Denver Chua!

Kung hindi tayo nagkakamali si Mayor Denver Chua ang pinakabatang naging alkalde ng Cavite City.

Sa kanyang ikalawang termino ay nasaksihan ng mga Kabitenyo ang unti-unting pag-unlad ng Cavite City.

Inianunsiyo ni Meyor Chua ang  pagpapatayo ng gusali para sa kanyang proyekto na Cavite City Science High School na pawang deserving students na may matataas na marka o grado sa pag-aaral ang makikinabang. Libre ang matrikula!

Nauna rito ay ipinagkaloob na ang allowances ng mga estudyante ng pampublikong paaralan. Sa hanay ng senior citizens, maraming benepisyo ang tinatanggap.

Tubo akong Cavite City, sana noong ako ay lumaki, si Meyor Chua na ang alkalde para naranasan ko ang mga proyekto na kanyang ginagawa. Sa tulong ng  mga nakaupong miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Cavite City, ang nag-aaproba upang matupad ang implementasyon ng lahat proyekto ng lungsod na gugugol ng malaking badyet.

Kaya sa hanay ng TEAM UNLAD sa pamumuno ni Mayor Denver Chua at kanyang bise alkalde Raleigh Rusit sampu ng mga kasamahan sa Konseho, malugod po kayong binabati sa mahusay na paglilingkod at serbisyo sa ating mga kababayan!

Napakaganda ngayon ng Lungsod ng Cavite, ang siyudad kung saan ako isinilang.

Taob ang dating mga namuno sa Cavite City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga Araw ng Ulan at Araw ng Baha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAGSIMULA na ang School Year 2026–2027 kasabay ng tag-ulan. …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Chiz dumating sa plenaryo
ANO ANG NASA LIKOD NG KANYANG DESISYON

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng mga nagkakasalungatang kampo sa Senado, madaling mawala sa …

Sipat Mat Vicencio

Peke ang Blue Ribbon Committee hearing ni Matet

SIPATni Mat Vicencio “HINDI na po ako papayag na mag-hearing-hiringan kayo riyan, and I will …

Editorial

Senado ipungsoy senators pausukan

MARAMI ang nagsasabing dapat ipa-feng-shui ang gusali ng Senado at ‘yung mga senador naman pausukan …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tulog na batas sa Senado, ‘wag isisi sa bagong liderato

AKSYON AGADni Almar Danguilan PAANO na ang mamamayang Filipino? Paano na ang mga nakabinbing batas …