Friday , June 26 2026
CAFGU
Contribute photo

Opisyal na pahayag ng hukbong katihan ng Pilipinas sa papel ng CAFGU

NILINAW sa publiko at stakeholders ng Philippine Army (PA) na gamitin ang wasto o tamang katawagan sa mga miyembro ng CAFGU Active Auxiliary sa bansa.

Binigyang-diin nito na ang terminong “National Guard” ay hindi pa opisyal na kinikilala sa ilalim ng mga umiiral na batas at patakaran ng Republika ng Pilipinas.

​Ang CAFGU Active Auxiliary, ay nananatiling puwersang itinatag ng batas na kumikilos sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines.

Kung saan patuloy din itong gumaganap ng mahalagang papel sa pagsuporta sa mga pagsisikap para sa kapayapaan at seguridad, lalo na sa mga lokal na komunidad at malalayong lugar.

​Dagdag pa ng mga opisyal ng militar, na bagaman may mga naisagawang pag-aaral at pilot initiative noon kaugnay sa konsepto ng “National Guard,” wala pang pinal na desisyon para sa opisyal na pagpapatibay dito.

Bunsod nito’y, hinihikayat ang mga personnel na patuloy na gamitin ang opisyal at kinikilala sa batas na terminong CAFGU Active Auxiliary sa lahat ng komunikasyon, ulat, at pampublikong pahayag.

​Ang tamang pagtukoy sa mga yunit ng militar ay mahalaga upang mapanatili ang integridad ng organisasyon, matiyak ang pagkaunawa ng publiko, at masunod ang mga umiiral na legal at institusyonal na balangkas.

Kasunod nito’y hinimok ang mga miyembro ng CAFGU Active Auxiliary na manatiling matatag sa kanilang mga tungkulin sa mga kumunidad, habang itinataguyod ang propesyonalismo at paggalang sa mga itinakdang patakaran at regulasyon ng militar. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Pagkakaisa ng mga Magtatahong sa Bacoor PAMABA

Sa maliit na kita sa masamang panahon 
MAGTATAHONG HINILING, BAYARIN BAWASAN SA PANAHON NG BAGYO

ni TEDDY BRUL BACOOR, Cavite — Pormal na nanawagan ang mga lider ng Pagkakaisa ng …

Insta360 Luna Ultra 1

Insta360 Launches Luna Ultra and Expands Retail Presence Across the Philippines
Leica Co-Engineered Gimbal Camera Leads Brand’s Growth to 50 Stores Nationwide

Insta360 officially introduced the Luna Ultra in the Philippines, marking the brand’s entry into the …

Mini-casino sa peryahan sa Bulacan at Pampanga, untouchables

Mukhang tigasin ang mga operator ng dalawang peryahan na matatagpuan sa Lias, Marilao, Bulacan at …

Camille Villar

Villar nanawagan
Mas matibay na seguridad, pinalawak na suporta para sa kalusugang pangkaisipan

NAGPAHAYAG si Senator Camille Villar ng matinding kalungkutan at pag-aalala kaugnay ng trahedyang pamamaril sa …

Multinational Village HOA DHSUD

DHSUD sinugod
Multinational Village residents nagsumbong kay Sec. Aliling Overstaying HOA officers patalsikin

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga residente …