Sunday , June 28 2026
Asia-Oceania Sambo Championships
MAHIGPIT na pinigil ni Sophia Nicole Novino ang kalabang si E. Samatova ng Kyrgyzstan sa kanilang Youth women’s -47kg preliminary match sa 11th Asia-Oceania Sambo Championships na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium. (PSC photo)

Novino pasok sa finals, 3 Pinay may bronze sa pagbubukas ng Asia-Oceania Sambo Championships

NAGPAKITA ng matinding potensiyal ang umuusbong na grappler na si Sophia Nicole Novino matapos makapasok sa finals ng Youth women’s -47-kilogram division, habang tatlo pang Pinay ang nag-uwi ng bronze medal sa unang araw ng 11th Asia-Oceania Sambo Championships na inihandog ng Philippine Sports Commission sa Ninoy Aquino Stadium.

Sa kanyang unang taon pa lamang sa sambo, pinataob ni Novino ang mga katunggali mula Vietnam at Kyrgyzstan upang makausad sa finals ng kanyang dibisyon sa torneo na inorganisa ng Philippine Sambo Federation, Inc.

Nag-ambag naman ng tig-isang bronze medal sina Jennelyn Tuñacao, Maria Tess Polistico, at Princess Love Boyore sa -72kg, -59kg, at 54kg divisions, ayon sa pagkakasunod, sa pagsisimula ng aksiyon sa prestihiyosong torneo na suportado ng National Sports Tourism Interagency Committee sa pangunguna ni PSC chairman Patrick “Pato” Gregorio.

“Sobrang saya ko dahil ang goal ko lang po ay maglaro ng best ko,” ani ng 17-anyos na si Novino, isang Grade 11 student-athlete ng University of the East.

“Hindi ko naman po inaasahan na makakarating ako sa finals kaya sisikapin kong tapusin nang maganda ang nasimulan ko,” dagdag niya bago ang kanyang laban para sa ginto kontra sa kalabang mula Kazakhstan.

Isang varsity judoka ng UE, sinabi ni Novino na nahikayat siyang subukan ang sambo dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanya.

“Maganda po ang opportunity na ibinigay sa akin. Hindi naman po nagkakalayo sa judo kaya ipinagpatuloy ko ang sambo,” aniya.

Patunay ng kanyang potensiyal sa naturang sport, ibinahagi ni Novino na nakasungkit siya ng gintong medalya sa -55kg category matapos talunin ang isang lalaking atleta mula Singapore sa isang torneo doon noong Mayo.

“Sabi ko, okay na rin na may kalaban ako para hindi masayang ang pagpunta ko sa Singapore,” kuwento niya habang nakangiti.

Masaya rin si Tuñacao sa kanyang bronze medal sa kauna-unahan niyang malaking international tournament, bagama’t naniniwala siyang may mas maipapakita pa siya.

“Feel ko po may maibubuhos pa ako sa kalaban,” ani ng matipunong atleta matapos mapilitang sumuko laban sa katunggaling mula Kazakhstan.

“Magandang simula ito para sa atin dahil napakahirap ng kompetisyon sa Asia-Oceania Championships at ito ang susunod sa World Championships sa antas ng kahirapan,” ayon kay national team coach Ace Larida.

“Mas malaki pa ang inaasahan naming resulta kapag nagsimula nang lumaban ang ating mga atleta sa senior division,” dagdag niya. (PSC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Asia Pacific Padel Cup APPC Padel Pilipinas

Opisyal nang binuksan ang Asia Pacific Padel Cup (APPC) Manila 2026

TAGUIG CITY — Opisyal nang binuksan nitong Huwebes Hunyo 25, ang Asia Pacific Padel Cup …

Asia Pacific Padel Cup APPC Manila 2026

APPC Manila 2026, pormal nang umarangkada sa McKinley

NAGSIMULA na nitong Huwebes (Hunyo 25) ang Asia Pacific Padel Cup (APPC) Manila 2026 sa …

Rene Baterbonia

Rene Baterbonia inihimlay sa kanyang lupang tinubuan

INIHIMLAY sa kanyang huling hantungan si Ateneo varsity player Rene Clert “Bobet” Baterbonia sa isang …

PNP CIDG AdMU Ateneo Rene Baterbonia Divine Adili

Kaso vs 10-11 AdMU staff ikinakasa na ng PNP

HINDI bababa sa 10 hanggang 11 empleyado ng Ateneo de Manila University (AdMU) ang sasampahan …

PNVF POC FIBV

PNVF sinuspinde ng POC kasunod ng parusa ng FIVB

SINUSPINDE ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa isinagawang Executive …