Thursday , July 2 2026
Derrick Monasterio Ibarra Ngayon

Derrick pinuri galing sa teatro

RATED R
ni Rommel Gonzales

PAPURI ang tinanggap ni Derrick Monasterio sa theater stint niya sa Ibarra…Ngayon.

Pinatunayan ng guwapong Sparkle male star na hindi lamang sa telebisyon at pelikula siya mahusay kundi maging sa teatro.

Pahayag ni Derrick kay Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend, “I guess as a better person. Kasi tinuruan ako nito ng disiplina. Tinuruan akong mahalin ang aking bayan.

“Kasi like sa mga past interview ko sinasabi ko na parang I feel hopeless dito sa nangyayari sa Pilipinas. 

“Pero as Ibarra hindi dapat ganoon.

“Dapat hopeful ka pa rin.”

Dumalo sa opening night ng musical play ang girlfriend niya at Apoy sa Dugo leading lady na si Elle Villanueva.

“Yes, I am inspired. Alam mo, iniisip ko pa nga lang, kaya ko ba ‘yung ginagawa niya? Kasi live iyon. Ang dami niyang ime-memorize na script. Bawal siya magkamali. Kailangan makaisip ka kaagad ng paraan kung nagkamali ka,” pagbabahagi naman ni Elle.

Full support ang castmates ni Derrick sa Apoy Sa Dugo tulad ni Pinky Amador na gumanap bilang nanay niya sa serye na isa ring mahusay na stage actress.

“Super, super proud. Congratulations, anak Derrick. 

“You nailed it,” bulalas ni Pinky.

Sumuporta rin ang mga kapwa Sparkle artists ni Derrick sa pagbabalik nito sa stage acting.

“Hindi ko puwedeng palampasin itong part ng career ni Derrick na ito. Kasi kailangan suportahan ng mga kaibigan,” saad ni Miguel Tanfelix.

“Derrick has a soft spot for theater, for plays. Kaya alam namin na iba talaga ‘yung puso na nilagyan niya rito. We know how much this means to him,” sinabi naman ni Ysabel Ortega.

Marami raw natutunan si Derrick sa kanilang serye. 

“Grabe rin ‘yung journey na pinagdaanan namin sa serye. Very… ‘yung rollercoaster of emotions namin. And it’s heavy drama kaya medyo nakakapagod din.

“And dumating ‘yung time na sumasabay pa siya sa rehearsals ng ‘Ibarra.’ So, wala na lang talagang tulog,” kuwento pa ni Derrick.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Anjo Yllana TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de Leon

Anjo talo sa kaso ng TVJ, pinagbabayad ng P3.5-M danyos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINABORAN ng korte angTVJ Productions labansa isinampang kaso sa dating host din ng Eat …

Heart Evangelista

Heart hinay-hinay muna sa trabaho

I-FLEXni Jun Nardo KINAILANGANG pagsabihan pa ni Heart Evangelista ang isang personal assistant na maghinay-hinay sa trabaho …

Ryzza Mae Dizon Kim Chiu

Ryzza ‘di kailangan si Kim para mapag-usapan

I-FLEXni Jun Nardo WAGAS kung makabintang itong mga faney na nagsasabing ginagamit ni Ryzza Mae Dizon si Kim …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne magpapakasal na sa 2027

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na ang nag-aabang sa kasalang Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kaya naman …

Hana Joan Regine Velasquez

Regine inspirasyon sa pagkanta ni Hana Joan 

MATABILni John Fontanilla IDOLO si Regine Velasquez ng singer/businesswoman and beauty queen na si Hana Joan. Ito ang …