RATED R
ni Rommel Gonzales
ISA si Anne Curtis sa mga nagpahayag ng pagbati sa mga ama sa katatapos na selebrasyon ng Father’s Day. Batid naman ng publiko kung gaano kasuwerte si Anne sa pagkakaroon ng asawang si Erwan Heussaff na tatay ng kanilang anak na si Dahlia.
Idinaan ni Anne sa kayang personal na Instagram account ang pagpapahayag ng papuri kay Erwan with matching photos ng kanilang travels here and abroad.
“Happy Papa’s Day to Dahlia’s twin.
“More than happy to have been your mere vessel.”
“Thank you for being the best girl dad ever!”
Kinaaaliwan at kinagigiliwan ng mga netizen ang mga post ng mag-ama sa social media lalo na kapag magkasama silang nagluluto.
Taong 2017 ikinasal sina Erwan at Anne sa New Zealand at biniyayaan naman sila ng anak na babae noong 2020.
Samantala, patuloy na umaalagwa ang showbiz career ni Anne bilang host (ng It’s Showtime) at aktres (Buy Bust at mga upcoming na pelikula), at endorser ng iba-ibang produkto tulad ng Abenson, Enervon, Cetaphil, at Century Tuna at marami pang iba.
Nananatili si Anne bilang isa sa mga Superstar ng Viva Artists Agency.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com