Thursday , July 2 2026
Isko Moreno White Party

Yorme Isko sinuportahan White Party Manila: Sa Maynila pantay-pantay

HATAW si Yorme Isko Moreno sa pagsuporta sa mga miyembro ngLGBTQIA+ community. Isa si Yorme sa mga mayor na dumating noong Sabado, June 27, 2026 sa  matagumpay na White Party ManilaPride Month celebration sa World Trade Center, Pasay City.

Kitang-kita ang kasiyahan ni Yorme sa paglalahad ng suporta sa LGBTQIA+ community lalo’t  galing din siya sa showbiz na karamihan ng mga nakasama at nakatrabaho niya ay mga beki at lesbian.

“Nandito ako to show the support of the City of Manila. Eh, ‘di ba, sa Manila, walang bakla, walang tomboy, walang mahirap, walang middle class, walang mayaman. 

“Sa Maynila, pantay-pantay (ang lahat),” wika ni Yorme Isko nang salubungin siya ng entertainment media sa White Party Manila na in-organize at ipinrodyus ng Mentorque Productions ni Bryan Diamante.

Inisa-isa pa ni Yorme ang mga kaibigan niyang miyembro ng LGBTQIA+ community, kasama na ang dati niyang manager na si Daddie Wowie Roxas. Sinabi rin nitong marami rin siyang empleado at staff sa Maynila na gays at lesbians.

Sa entablado ginati ni Mayor Isko ang lahat ng dumalo sa star-studded White Party Manila na mahigit isang dekadang natigil ang selebrasyon kaya marami ang na-excite sa muling pagbabalik.

Actually, hindi pa man natatapos ang event, maririnig mo na sa mga dumalo ang pagsasabing, ‘sana next year mayroon uli.’ Patunay na marami ang nasiyahan at looking forward agad sa susunod na taon.

Napakagandang tingnan na halos lahat ay naka-puti ang mga dumalo gayundin ang mga ayos at palamuti. At isa sa highlight ng event ay ang pag-turn over ni Vice Ganda at ng Mentorque Productions ng P1-M donation sa LoveYourSelf PH foundation na tumutulong sa mga HIV patient.

Bale P700,000 ang nalikom na donasyon at pinansiyal na tulong ng Mentorque ni  Diamante na dinagdagan nila ng P300,000 para mabuo ang P1-M.

Ani Bryan, CEO ng Mentorque, Inc., si Vice Ganda ang “perfect person” para mag-represent ng pagbabalik ng White Party Manila.

“Having Vice as the face of this year’s comeback feels more meaningful, especially as we reignite the spirit of Pride through celebration, community, and purpose while delivering a Pride night to remember,” wika ni Bryan.

Isa rin sa highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa apat na mayor bilang Outstanding Allies of the LGBTQIA+ Community dahil sa kanilang “progressive local policies.” Ang mga mayor na ito ay sina Joy Belmonte (QC), Francis Zamora (San Juan), Emi Calixto-Rubiano (Pasay), at Isko Moreno(Manila).

Kabilang sa mga nag-perform sa event ay ang mga OPM artist na sina Maki, Gloc9, Marina Summers, Maxie Anderson, Ben&Ben, at ang SexBomb Girls na binigyang pagkilala rin bilang Gay Icon of the Year.

Ani Rochelle. “Sobrang grateful kami  na napasana at na-invite kami rito. Nakaka-proud kasi sa haba ng panahon na sinasabi ng lahat na pinalaki sila ng SexBomb, ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong klaseng award.

Kaya sobrang happy ang grateful kami, in behalf of the Sexbomb Girls nagpapasalamat kami sa recognition na ito.

“Sa dinami-dami ng puwedeng piliin kami pa ang binigyan ng award na ito kaya thank you so much,”saad pa ni Rochele. 

Nagkaroon din ng fashion show na pinangunahan naman nina Janella Salvador, Mimiyuuuh, Chie Filomeno, Alex Diaz, Kirk Bondad, Ron Angeles, at Teejay Marquez.

Nakiisa rin sa event ang OPM icon na si Ice Seguerra kasama ang asawang si Liza Diño, John Lapus, Joey Mead-King, Angie King, Andoy Ranay, Martin del Rosario, Yayo Aguila at marami pang iba. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SPEEd The Eddys Marriott Hotel

Marriott Hotel tahanan ng The EDDYS

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SA loob ng kumikinang na mga bulwagan ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World …

Anjo Yllana TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de Leon

Anjo talo sa kaso ng TVJ, pinagbabayad ng P3.5-M danyos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINABORAN ng korte angTVJ Productions labansa isinampang kaso sa dating host din ng Eat …

Heart Evangelista

Heart hinay-hinay muna sa trabaho

I-FLEXni Jun Nardo KINAILANGANG pagsabihan pa ni Heart Evangelista ang isang personal assistant na maghinay-hinay sa trabaho …

Ryzza Mae Dizon Kim Chiu

Ryzza ‘di kailangan si Kim para mapag-usapan

I-FLEXni Jun Nardo WAGAS kung makabintang itong mga faney na nagsasabing ginagamit ni Ryzza Mae Dizon si Kim …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne magpapakasal na sa 2027

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na ang nag-aabang sa kasalang Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kaya naman …