Thursday , July 2 2026
Mt Ping-as Ahunan Pumped-Storage Hydropower
BAGO ANG PROYEKTO: Ipinapakita sa isang larawan noong 2025 ang mayabong at mabatong bahagi ng Mt. Ping-as na puno ng kagubatan bago nagsimula ang paghahanda sa lugar para sa ipinapanukalang Ahunan Pumped-Storage Hydropower. (Larawan mula kay Danilo Francisco ng Commission on Ecology of Diocese of San Pablo) PAGKATAPOS NG PAGHAHAWAN: Makikita ang malalaking bahagi ng kagubatan na nahawan na sa mga dalisdis ng Mt. Ping-as sa larawang ito noong Hunyo 20. Ayon sa mga environmental volunteer, ang mga naapektuhang lugar ay bahagi ng paunang paghahanda sa pipeline para sa 1,400-MW Ahunan Pumped-Storage Hydropower Project. (Larawan mula kay Danilo Francisco ng Commission on Ecology of Diocese of San Pablo)

Matinding pangamba sa deforestation dahil sa Ahunan Hydropower inihayag ng mga mamamayan

ni TEDDY BRUL

NAGPAHAYAG ng pangamba ang mga environmental volunteer hinggil sa sinabing malawakang paghawan ng kagubatan sa Mt. Ping-as, isang mahalagang ekolohikal na lugar at kilalang pilgrimage site sa bayan ng Pakil, Laguna.

Sa isang panayam, sinabi ni Danilo Francisco, pinuno ng  boluntaryong Commission on Ecology ng Diocese of San Pablo, may 20 volunteers ang umakyat sa bundok noong 20 Hunyo 2026 upang magsiyasat sa natanggap nilang ulat na may malakihang land clearing operation sa nasabing kabundukan.

Ayon sa grupo, tumambad sa kanila ang malawak na bahagi ng tinapyas na mga halaman, nakatumbang puno, at mga putol-putol na kawayan. Naabutan din umano nila ang mga manggagawa na nagtitipon ng mga tuyong sanga at dahon para sa open burning.

Ang mga dokumentadong video sa site ay isinumite sa pahayagang ito bilang ebidensiya. Paliwanag ng mga tauhan sa site, bahagi ang clearing ng preparasyon para sa itatayong 1,400-megawatt Ahunan Pumped-Storage Hydropower Project.

Ayon sa kinatawan ng proyekto, ang mga binuksang bahagi ay paglalagyan ng malalaking tubo ng tubig sa ibabaw ng lupa na mag-uugnay sa lower reservoir sa Laguna de Bay patungo sa upper reservoir sa bundok. Idinagdag pa ng kinatawan na mas ligtas ang bagong disenyo ng mga nakalantad na tubo kaysa ibaon ang mga ito sa ilalim ng lupa.

Ang mga naturang advocate ay kasapi ng MANAPAK, isang malawak na koalisyon na tumututol sa Ahunan Dam sa Pakil. Binubuo ang samahan ng mga residente, mga kura paroko, religious groups ng kababaihan at kabataan, at mga katutubong mamamayan sa bulubundukin ng Sierra Madre.

Nangangamba ang koalisyon na ang patuloy na paghawan sa Sierra Madre ay magdudulot ng matinding pagguho ng lupa (soil erosion), flash floods, at pagkasira ng mga likas na bukal ng tubig na pinagkukuhaan ng mga karatig-komunidad kapag naging ganap na ang operasyon ng planta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

Goitia

Goitia: May kaakibat na pananagutan ang bawat karapatan

HINDI bagyo. Hindi sunog. Hindi rin pambansang sakuna. Ngunit halos huminto ang Metro Manila dahil …

Fire

Sa Nueva Ecija
Palengke nasunog P17-M pinsala naitala

UMABOT sa ikatlong alarma bago tuluyang naapula ng mga bombero ang sunog na tumupok sa …

Baler Aurora illegal logging

Sa Aurora
Abandonadong tabla mula sa illegal logging nasamsam

NAREKOBER ng mga awtoridad ang mga iniwang mga tabla mula sa ilegal na pagtotroso sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Sta. Maria, Bulacan
Inginuso ng nagmamalasakit wanted na rapist arestado

NADAKIP ng mga awtoridad dahil sa isang tip mula sa isang nagmamalasakit na mamamayan ang …

Sa Taguig City Pansamantalang silungan ng mga nasunugan giniba ng private demolition team

Sa Taguig City
Pansamantalang silungan ng mga nasunugan giniba ng private demolition team

MULING hinarap ng mga pamilyang nawalan ng tahanan nang tupukin ng matinding sunog noong nakaraang …