MASAYA at walang aberya ang naganap na kapistahan ng San Juan City local government unit (LGU) na bumida ang mga programang street dance competition, float, at iba pa kasabay ng report na zero violations sa masayang aktibidad ng Wattah Wattah Festival.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ang Wattah, Wattah ay kasabay ng kapistahan ng San Juan Bautista na mahigpit na binabantayan ang mga kalye at kalsada at tanging sa itinalagang “Basaan Area” lamang puwedeng magbasaan para walang madamay na motorista, commuters, at mga ayaw Mabasa.
Maayos na naipatupad sa pakikisama at tulong ng mga residente ng San Juan.
Naganap ang Street Dance Competition, Santong Tao Float Competition, Best Booth Competition, at Street Party noong Martes at ang matagumpay na basaan sa Basaan Zone kahapon, Miyerkoles. (VICK AQUINO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com