HANDA na ang National Bureau of Investigation (NBI) para sampahan ng kasong human trafficking ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Congressman Mike Defensor matapos mabisto ang ‘sexual exploitation’ sa sinalakay na KTV bar na kanyang pag-aari sa Pasig City.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, ang mga ebidensiyang nakalap batay sa mga isinagawang imbestigasyon ay nagpapakita na may kinalaman si Defensor sa naturang ilegal na gawain sa KTV 81V Bar.
“It appears that Mike Defensor was indeed involved in this matter,” ani Matibag .
Una nang itinanggi ni Defensor ang paratang sa pagsasabing “politically motivated” ang pagdawit sa kanya.
Matatandaang ang maybahay at anak na sina Julie Rose Defensor at Miguel Gabriel Defensor, ay kabilang sa 16 indibiduwal na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act) kasunod ng raid sa Chicago Night Club at Bleu Hotel sa Pasig noong 21 Abril, na may mga single mother at ang mga edad ay hindi lagpas sa 25 anyos.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com