MATABIL
ni John Fontanilla
PANALO si Billy Crawford sa Mask Singer France Season 9 na nasa likod ng kasuotang Donkey na ginanap ang Grand Final noong June 27 sa France.
Tinalo ni Billy ang iba pang mga finalist na sina Bouquet at Poussin para maiuwi ang kampeonato.
Ang Mask Singer ay isang French mystery singing competition na ang mga sikat na personalidad ay kumakanta habang itinatago ang kanilang pagkakakilanlan sa likod ng makukulay na kasuotan. Bawat linggo, sinusundan ng mga hurado at manonood ang iba’t ibang clues hanggang sa tuluyang mabunyag ang tunay na pagkakakilanlan ng mga kalahok.
Nagsimula ang Season 9 noong Abril 24, 2026, at nagtapos sa ikasiyam at huling episode nito noong Hunyo 27.
Ang tagumpay ni Billy ay nagbigay ng malaking karangalan at pagmamalaki sa maraming Filipino dahil muli niyang ipinakita ang kanyang husay sa isang pandaigdigang entablado.
Kilala na rin siya ng mga manonood sa France matapos manalo sa Dancing With The Stars Francenoong 2022, at ang panibagong tagumpay na ito ay isa na namang mahalagang bahagi ng kanyang matagumpay na karera.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com