Thursday , July 2 2026
Angel Castro Bagong Tukso 2

Angel Castro muntik mabulag sa eyelash extension

ni Allan Sancon

MAS lalo pang iinit ang pantasya ng mga solidong tagasubaybay ng VMX sa pagdating ng Bagong Tukso 2.0, isang 70-minute special na magsisilbing engrandeng pagpapakilala sa pinakabagong henerasyon ng VMX Babes

Tampok dito ang limang naggagandahan at seksing bagong mukha na sina Shalanie De Vera, Akira Takamura, Angel Castro, Kim Yashii, at Shannon Sizon, na magiging mga bagong pantasya sa mga susunod na original productions ng VMX. 

Bukod sa kanilang mapang-akit na beauty shoots, ibabahagi rin nila ang kanilang personal na kuwento at mga karanasang tiyak na ikagugulat ng kanilang mga tagahanga.

Isa sa mga pinakamatunog na rebelasyon ay mula kay Angel na ibinahagi ang nakatatakot niyang karanasan matapos magpalagay ng eyelash extensions. 

Ayon sa sexy star, muntik na siyang mabulag dahil sa naging epekto nito sa kanyang mga mata kaya hindi niya napigilang magbigay ng babala sa publiko.

“Muntik na talaga akong mabulag dahil sa eyelash extensions. Sobrang namaga at nasaktan ang mata ko kaya natakot talaga ako. Kaya gusto kong paalalahanan ang lahat, lalo na ang mga mahilig magpa-eyelash extensions, na siguraduhing ligtas at malinis ang pinupuntahan ninyo.

“Mag-ingat kayo dahil puwede talaga itong ikabulag kapag hindi maayos ang pagkakagawa o nagkaroon ng impeksiyon,” seryosong pahayag ni Angel.

Sa kabila ng kanyang pinagdaanang pagsubok, hindi nito napigilan ang excitement sa bagong yugto bilang VMX Babe. 

“Masaya ako dahil ito ang pagkakataon kong maipakita ang iba’t ibang side ng sarili ko. Sana ay suportahan ng lahat ang aming ‘VMX Special’ at ang mga susunod pa naming proyekto. Ibinibigay namin ang buong puso at dedikasyon sa bawat eksena para sulit ang inyong panonood,” dagdag pa niya.

Samantala, aminado namang may halong kaba at pananabik si Akira sa mga proyektong naghihintay sa kanya sa VMX. 

Bagama’t bago pa lamang siya sa industriya, sinabi niyang handa siyang harapin ang anumang hamon para sa ikagaganda ng bawat pelikulang gagawin.

“Kinakabahan ako siyempre dahil bago pa lang ako at hindi ko pa alam ang lahat ng mga gagawin namin. Pero handa akong matuto at gawin ang anumang ipagagawa sa akin basta para sa ikagaganda ng pelikula. Malaking oportunidad ito para maipakita ko ang talento at dedikasyon ko bilang artista. Sana ay samahan ninyo kami sa journey na ito dahil marami pa kayong aabangan sa amin,” pahayag ni Akira.

Sa pagtatapos ng bawat segment ay isang signature VMX-style finale na magpapakita ng kompiyansa, alindog, at karisma ng bawat bagong bituin. 

Huwag palampasin ang Bagong Tukso 2.0, na eksklusibong mapapanood sa VMX simula Hulyo 14. Sa halagang ₱169 kada buwan, makikilala ng mga subscriber ang susunod na pinakamaiinit at pinakaaabangang mga bagong pangalan na tiyak na magpapainit sa mundo ng VMX.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Anjo Yllana TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de Leon

Anjo talo sa kaso ng TVJ, pinagbabayad ng P3.5-M danyos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINABORAN ng korte angTVJ Productions labansa isinampang kaso sa dating host din ng Eat …

Heart Evangelista

Heart hinay-hinay muna sa trabaho

I-FLEXni Jun Nardo KINAILANGANG pagsabihan pa ni Heart Evangelista ang isang personal assistant na maghinay-hinay sa trabaho …

Ryzza Mae Dizon Kim Chiu

Ryzza ‘di kailangan si Kim para mapag-usapan

I-FLEXni Jun Nardo WAGAS kung makabintang itong mga faney na nagsasabing ginagamit ni Ryzza Mae Dizon si Kim …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne magpapakasal na sa 2027

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na ang nag-aabang sa kasalang Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kaya naman …

Hana Joan Regine Velasquez

Regine inspirasyon sa pagkanta ni Hana Joan 

MATABILni John Fontanilla IDOLO si Regine Velasquez ng singer/businesswoman and beauty queen na si Hana Joan. Ito ang …