40th anniversary ng Intele matagumpay

Bravo Intele Builders and Development Corporation

MATABIL
ni John Fontanilla

MIXED emotions. Masaya at malungkot ang pagdiriwang 40th anniversary ng Intele Builders and Development Corporation. Malungkot dahil ito ang unang taon na wala sa selebrasyon ang ama at presidente ng Intele na si Don Pedro Bravo na yumao ngayong taon at masaya dahil 40 years na ang kompanya.

Kasama ang pamilya ni Don Pedro sa pangunguna ng napakasipag nitong maybahay at ang tumatayong presidente ng Intele na si Madam Cecille Tria Bravoat kanilang mga anak na sina Anthony, Jeru, Maricris, Miguel, at Mathewkasama ang ilan sa kanilang kaanak, kaibigan, at trabahador ay masayang nairaos ang 40th anniversary na ginanap sa Intele Building.

Nagsilbing host/performer sina Sephy Francisco at Klinton Start. Habang nagbigay aliw naman at umawit si Jopper Rill.

Dumalo rin sa okasyon sina businessman Raoul Barbosa, Jeffrey Dizon, designers Raymund Saul and Niño Angeles, Benjamin Montenegro, ErlindaTagle Theng Corbe, Atty. Christian Corbe atbp..