Cye Soriano ibinuking excited sila sa repeat ng Stars Reignited

Cye Soriano Stars Reignited

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MAY repeat!

SA Sabado na, November 28, 2026. Mula sa ‘di kalakihang Teatrino, sa Music Museum na sasampa at rarampa ang mga kababaihang itinampok sa Stars Reignited: The Metropop Star Search Reunion.

Kabilang sa naging espesyal na panauhin ng walong kababaihang nagpamalas ng husay nila sa pagkanta at pagsayaw ang nagsimula na ring umukit ng kanyang lugar sa pagkanta.

Unang pumaimbulog sa mga cover niya ng Karen Carpenter song si Cye Soriano.

Aminado naman ito na dumating sa point na parang sinawaan na rin ng mga tao ang paulit-ulit niyang pagkanta ng awit ng sikat na singer in the 70s na pumanaw na.

Kaya nang gawin ang Stars Reignited kamakailan, na-challenge ang direktor nito na si Vivian Poblete Blancaflor at ang musical director na si Maestro Elmer Blancaflor na pakantahin siya ng ibang piyesa. 

Kaya hinamon siya ng awit na (You Make Me Feel) A Natural Woman ng diva na si  Aretha Franklin na alam nating isang belter.

With flying colors marami ang humanga kay Cye.

Natutuwa naman ang tropa sa kanya sa pamumuno ng producer na si Miles nang dahil sa pagpupursige rin ni Cye sa marketing side ng kanilang palabas.

“I am very happy that ‘Stars Reignited: The Metropop Star Search Reunion Concert’ was a huge success last September 5 at Teatrino.

“Ngayon, ito na ang  sequel. I will be singing ang naging crowd favorite na ‘(You Make Me Feel Like) A Natural Woman.’ Plus  another classic song from the ’70s.

“Sama-sama pa rin kami nina Faith Cuneta, Miles Poblete, Champagne Morales, Anna Katrina Lara, Xaxa Manalo, at  Camille Velasco will also have a great surprise number and additional songs as well. Hopefully makasama.pa rin si Roxanne (Barcelo) na sa Indonesia na naka-base.

“I will once again be performing in the middle portion of the concert. Pang-bali. Breather sa matitindi na namang numbers na ihahatid nina Maestro Elmer.

“The preparation has been so much fun. Maestro Elmer Blancaflor has helped me tremendously—his technique as a musical director and arranger really guides me on how to attack and interpret the songs. Si Direk Vivian Blancaflor naman  chose this surprise song because she felt it would suit my low-toned voice. We have already completed two piano rehearsals at EV Music Studios, and we have two final full-band studio rehearsals lined up. Kaya lahat kami, eager-beavers for this repeat.

“Regarding the  tickets, we added another seating tier because we are already sold out! For those who would still like to make a reservation, we have released a few additional seats that were originally not for sale—management decided to open them up because inquiries keep pouring in,” sabi pa ni Cye.

How lucky can these ladies get!

Napanood ko ang una. And I want to see more of what’s in store sa repeat.

Talagang wala kang itulak-kabigin sa mga Diva ng Metropop Search! No one like them.