HARD TALK
ni Pilar Mateo
SAGLIT na iniwan ng kasama ni BB Gandanghari na nag-graduate sa PBB na si Keanna Reeves ang kusina niya sa Celeb Cafe na pag-aari nila ng partner na si Bryan Scott Lomboy at ng kanilang cute na cat na si Snow.
Lipad ito sa Davao. One day shoot sa pelikulang idinidirehe ni BB sa life story ng namatay na si Rene “Clert” Bobet Baterbonia.
Nasaksihan naman sa mga balita ang gjnawang pakikiramay ni BB sa pamilya ni Rene, kina Mommy Rovelyn at Daddy Rene at sa mga kapatid nito. At hanggang sa libing nito ay sumama si BB.
‘Yun ang naging daan para mapalapit ito sa pamilya.
At ngayon ay pinagkatiwalaan ito na gawin ang istorya ng buhay ni Rene mula pagkabata.
I’m Just A Kid with Big Dreams ang nabalitang titulo ng pelikula na isa ang kapatid ni BB na si Senator Robin Padilla ang producer.
Si Jean Garcia ang napisil na gumanap sa papel ni Monmy Rovelyn at si Ariel Rivera naman si Daddy Rene. At si Rommel Padilla ang gaganap bilang coach.
Lumabas ang ngalan ng isang basketball player na si Kyle Reese Defullacion na gaganap sa katauhan ni Rene.
Tipid pa sa kwento niya ang saglit na nagkaroon ng bonding sa inakala niyang liligaw sa kanya sa bahay ni Kuya na si BB na si Keanna.
‘Di masabi kung sino ang ginampanan niyang katauhan sa pelikula.
Mukhang nag-wrap up na ang shoot sa Talacogon, Agusan del Sur ng pelikulang magpapaalala at higit pang magpapakilala sa katauhan ni Rene Baterbonia.
Na patuloy na humahanap ng hustisya. Sa mga kuko ng katarungan.
Nag-aabang na hindi lang ang buong Mindanao kundi ang buong bansa sa marami pang kwentong siguradong magbabahagi ng inspirasyon sa buhay ng isang nilalang na nangarap lang namang maging mahusay sa piniling direksiyon.
Sabi nga ni direk BB, “He has the heart of a champion…”
Pero ‘yun lang… gone too soon!
